Anunsyo para sa Bagong TagalogSerye (Season 2)

in #tagalogtrail6 years ago

Kamusta mga ka-tropa!

Mahabang panahon din nagpahinga ang mga giliw naming manunulat at tagasubaybay ng TagalogSerye. Maraming naging busy sa kanilang mga personal na buhay at sa trabaho. Pati na rin sina @toto-ph, @junjun-ph at @lingling-ph ay natambakan ng napakaraming proyekto sa paaralan at sa trabaho. Nagkaroon din ng kaunting pagbabago sa Steemit na lihis sa nakagawian ng nakararami kaya dumalang ang mga nagsusulat.

Ngayong darating na Lunes ay nais naming muling simulan ang kapana-panabik at kaabang-abang na TagalogSerye. Ngunit kakailanganin namin ng karagdagang bilang ng mga kalahok para makibahagi sa gaganaping sulatin. Sa madaling salita, kulang pa ang mga miyembro para sa nasabing aktibidad at maaari pang humabol ng kumpirmasyon kung nais mong sumali.


⏪ ⚫ ⏩

Ano ang TagalogSerye?

Para lang itong dugtungan-kwento. Ito ay labanan ng dalawang grupo kung paano gagawan ng maikling-kwento ang prompts at tema na ibinigay ng magiging hurado. Kadalasan itong binubuo ng apat o higit pang miyembro at dudugtungan ng mga kasama sa grupo ang kwentong nasimulan ng napili na unang magsusulat. Maaaring pag-usapan ng grupo ang pagkakasunod-sunod o magbigay ng order ang hurado ayon sa gusto nilang pagkakasunod-sunod.


⏪ ⚫ ⏩

Paano malalaman kung sino ang panalo?

Sa lahat ng gaganaping TagalogSerye ay merong nakatalagang mga hurado na patas at tapat sa panghuhusga. Babasahin nila ang lahat ng kwento simula sa naunang sumulat hanggang sa nagtapos ng kwento. Pagbabatayan ang prompts at tema na ibinigay. Pati na rin ang pagiging angkop ng sulatin sa daloy ng kwento na nabuo ng grupo.


⏪ ⚫ ⏩

Sino ang maaaring sumali?

Dahil si @tagalogtrail ay isang komunidad na sumusuporta sa mga sulatin sa wikang Filipino, lahat ng marunong magsulat sa wikang Filipino ay inaanyayahan namin na makilahok. Hindi namin sinasala ang mga kalahok sa kung gaano sila bihasa, bagkus sa kanilang kagustuhan na sumulat at makapagkwento sa wikang Filipino.

Kung nais mong magkaroon ng karanasan, sumali ka. Kung nais mong malinang pa ang iyong kasanayan sa pagkatha ng mga maikling-kwento, sumali ka. Kung nais mong makahanap ng mga kaibigan at followers na susuporta sa mga sulatin mo, sumali ka. Kung trip mo lang din na mambitin at magpa-excite ng viewers, sumali ka. Basta gusto mong sumulat at magkaroon ng exposure sa pagsusulat, go na yan!


⏪ ⚫ ⏩

Paano kami makakasali?

Maaari kayong mag-iwan ng komento sa lathalaing ito. Maaari din naman na pumasok sa discord link ng Tropa ni Toto Pls click link to enter another dimension. At huwag mahihiyang magbigay ng opinyon. Libre lang ang makipagkulitan, at pramis... hindi nananakit ang mga tao doon. (Mga tao nga ba ang nandoon?)


⏪ ⚫ ⏩

May premyo ba?

Meron syempre! Bago pa sumagi sa isipan mo na nangangailangan ka din ng pagkakakitaan, uunahan ka na namin sa pagsagot ng-- oo meron nga! Batid namin na isa sa mga nakaka-motivate ng brain cells mo sa pagsusulat ay ang kita at benepisyo (hindi totoo na appreciation at bilang ng tagasubaybay). Kaya naman sa kakarampot na budget namin ay bukas-palad pa rin kaming nakahanda na maglaan ng pondo para sa premyo.

Ayon sa aming kalkulasyon, sapat na ang 2Steem bilang premyo. 1Steem para sa lahat ng miyembro ng nanalong grupo na kanilang paghahatian ayon sa bilang ng kasali. At 1Steem naman para sa napiling OLODI NG LINGGO. Ok, good question! Ano ang Olodi ng Linggo? Siya ang hinirang na sugo at tagapagtanggol laban sa masasamang loob. Ang magliligtas sa atin sa kapahamakan at magbabalik ng liwanag sa sanlibutan. Biro lamang. 'Eto na ang totoo. Siya ang napili ng grupo na may pinakamagandang naiambag o naisulat para sa kabuuan ng TagalogSerye. Pagbobotohan ito ng lahat ng kalahok (panalo man o talo na grupo) pero ang kandidato para sa Olodi ng Linggo ay pipiliin lamang mula sa nanalong grupo.

Hindi lang iyon! Dadagdagan pa namin ng benefits ang nanalong Olodi na kung saan may pagkakataon na i-promote at i-feature namin ang tatlo sa kanyang Tagalog Posts. But wait, there's more! Meron din sasagutan na slam note ang nanalong Olodi at makikilala siya ng maraming iba pang manunulat. Pero no pressure sa pagsagot ng Slam Note dahil kaunting detalye lamang ito sa iyong sarili. Peksman, mamatay ka man! Maaaliw ka na magsagot nito.


⏪ ⚫ ⏩

Handa ka na ba?

Para mapaghandaan ang susunod na Tagalog-Serye narito na ang prompts:

Setting :
sa isang Opisina

Mga Karakter :

Masungit na Boss - isang karakter na palaging galit at di maipinta ang mukha.

Sexytari - sekretarya na lubhang maganda ang hubog ng katawan maliban sa angking ganda/kakisigan wala na siyang ibang maipagmamalaki.

Perfectionistang Empleyado - lahat dapat ay nakaplano sa kanya at sa sobrang perfect nya wala siyang lovelife wala pa kasi si Mr. o Ms. Right

Elemento na maaring gamitin :

Lipstick
Corrupted File
Kape

Tema :
Komedya


⏪ ⚫ ⏩

Special Mention

Para sa mga kalahok na laging sumasali at naging bahagi na ng TagalogSerye

@artgirl @beyonddisability @blessedsteemer @cheche016 @chinitacharmer @czera @iyanpol12 @jazzhero @jemzem @johnpd @julie26 @kendallron @mrnightmare89 @oscargabat @rodylina @romeskie @tpkidkai @twotripleow @valerie15

At sa mga bagong tropa namin na handang ma-experience ang TagalogSerye

@itisokaye @rigormortiz

Maraming maraming salamat sa palaging pagsuporta at sa walang sawang pagtangkilik sa mga proyekto ni @tagalogtrail.


⏪ ⚫ ⏩

Makabagbag-damdamin na Pangwakas

Batid naman natin na sa ngayon ang lengwaheng Filipino ay hindi masyadong nagagamit dito sa Steemit. Napakaliit ng tyansa mong ikaw ay mapansin maliban na lamang kung ikaw ay talagang mahusay magsulat.

Ano ba ang aking layunin dito sa Steemit? Napakasimple lamang! Iyon ay suportahan ang mga manunulat ng tula, kwento, artikulo at balita basta mayroong Tagalog na likha at tingin ko naman ay sadyang pinag-hirapan ng awtor at hindi kinopya o in-edit lamang. Ito ay bibigyan ko ng aking taos pusong "upvote" at siyempre komento na rin na magsasabing magpatuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.


⏪ ⚫ ⏩

Not so spamming announcement...

Tumatanggap din po ng donasyon ang aming maliit na komunidad. Lamang lang ng isang power up sa mga baguhan ang aming Steem Power. Kakarampot na halaga lang din ang naitabi namin na Steem Dollars. At kung Steem din ang basehan ng yaman at kapangyarihan, dukha kami na maituturing. Kaya naman anumang halaga na bukal sa loob ninyong maibabahagi sa amin, taos-puso at lunok-laway naming tatanggapin. Magiging choosy pa ba kami?

Maaari po ninyong ipadala sa aming wallet ang inyong donasyon para suportahan ang mga manunulat na sumusulat sa wikang Filipino. Magagamit namin ang inyong donasyon sa susunod pa naming mga proyekto. Wag kayong mag-alala, hindi na ipambibili ni @toto-ph ng potato chips ang aming ipon. Makakaasa kayo na nasa makabuluhang gawain mapupunta ang inyong tulong.

Maraming Salamat po!

Sort:  

Bago na rules? Wla n group group?

Posted using Partiko Android

Hi sis. Meron pa rin. ☺ Pero nauna muna ang prompts as advertisement para makakalap ng mga sasali. Sali ka po ba? Bukas na start. ☺

Ay ndi ako makasali sis... 😅

Posted using Partiko Android

Maganda ito komedya!hehe pag makasali ako uli..salamat!😊

Posted using Partiko Android

Sasali po ako ulit pag okay na eskedyul.

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 104622.78
ETH 3489.96
SBD 6.38