Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Unang Bahagi ng Unang Pangkat/ "Dinuguan"

in #tagalogserye6 years ago


Tanghaling tapat, ang init ng araw ay pumapaso sa balat ng mga magsasaka sa baryo ng San Juan.

Payak ang pamumuhay ng mga tao roon. Madarama ang malamig na ihip ng hangin at maamoy ang mabangong aroma ng kape na bagong timpla sa paligid.

Screenshot_2018-08-29 Into The Horizon photo by Benjamin Davies ( bendavisual) on Unsplash.png

Photo by Benjamin Davies on Unsplash

Umaga na naman. Bagong simula para sa lahat, perkpetong bayan na sana ang San Juan dahil sa nabanggit ngunit hindi, ito ay sa kadahilanang kontrolado parin sila ng mapang-abusong mga Kastila. Isama pa ang mga prayle na panay si Hesu Kristo at sundin ang simbahan ang laging bukambibig. Kapag ikaw ay sumuway, susunugin ang iyong kaluluwa sa impyerno.



Masayang naglalaro si Ineng sa may kabukiran kasama ang kaniyang pusa na si Muning.

Sampung taong gulang siya at mapapansin na hindi pa hubog na hubog ang kaniyang katawan. Ngayon palang nagsisimulang lumaki ang kanyang dibdib na tanda ng pagdadalaga.

Si Muning naman ay 3 buwan pa lamang kulay itim ang kanyang balahibo at ang mga mata ay asul at berde. Walang may alam kung bakit ganoon ang kulay ng kaniyang mata ngunit sabi ng mga matatanda ito daw ay swerte.

Gamit-gamit ang hibla ng damo na kaniyang kinuha sa kabukiran nilaro niya ang pusa gamit nito. Kiniliti nya nang paulit-ulit hanggang sa sya ay mapagod na sa kakalaro.

Magandang bata si Ineng at lubhang kinagigiliwan ng lahat lalo na ng kaniyang mga kapitbahay. Sa tuwing magdadala siya ng binalot sa bukid para sa kaniyang ama ay isang napakatamis na ngiti ang kaniyang ibinibigay sa lahat.

Ang kaniyang ngiti ay nakakapawi sa pagod ng mga magsasaka at sa mga Katipunero na nagtatago sa lugar. Langit na sa lupa ayan ang kanilang paliwanag

Matapos maglaro at dalhin ang tanghalian para sa kaniyang ama. Napagpasyahan na niyang umuwi sa kanilang tahanan.
Bawal siyang abutin ng gabi sa daan dahil may mga mamamatay tao daw na pakalat-kalat ayon sa kaniyang ina.

Baka rin siya mahuli ng mga Kastilang nagpapatrolya sa daan. Masugid na sinunod ito ni Ineng ngunit sa tuwing siya ay uuwi, palagi parin siyang nahahambalos ng kaniyang madrasta dahil daw sa puro laro lamang siya.

Screenshot_2018-08-29 Bell tower photo by Floris Jan-roelof ( florisjanroelof) on Unsplash.png

Photo by Floris Jan-roelof on Unsplash

Tumunog na ang kampana. Hudyat ito na alas-sais na ng gabi at kailangan magdasal ng Angelus.

Kalong-kalong si Muning, nanakbo na si Ineng dahil sa kailangan na niyang makauwi para magdasal.
Hindi mapakali ang munting alaga niya at ito umalpas sa kaniyang bisig. Tinungo niya ang talahiban at doon nakita niya ang isang lupon ng mga tao.

Mga kastila at isang katipunero.


Malalakas ang tawa ng mga Kastila habang sinusuntok nila ang Katipunero. Maiitim na ang kanyang mga mata makikita ang pasa sa buong bahagi ng kaniyang patpat na katawan.

"Patayin niyo na ako! Wala kayong mapapala sa akin!" Sigaw ng Katipunero.

"Huwag kang mag-alala darating ka din diyan. Sa ngayon ay dito ka muna sa amin at marami pa tayong pag-uusapan" Ani ng isang Kastila.

Nanlilisik ang mga mata ng Katipunero habang tinitignan ang mga dayuhan.

"At ang tapang mo pa! Huwag mo kaming tignan ng ganiyan hamak na alipin ka lang." Singhal ng isa pang Kastila na nakasuot ng kakaiba. May estrelyas ang kaniyang uniporme, tanda na isa itong Heneral nila.

Gamit ang kutsilyo na nasa kaniyang baywang, sinaksak niya ang dalawang mata Katipunero na nakaluhod sa kanilang harapan


Image Credits

Isang malakas na sigaw ang narinig. Ngunti walang tumugon kahit isa.

" Asan ang mga kasama mong hayop ka!" Dumadagundong na sigaw ng Heneral.

"Patayin niyo na ako! Wala kayong makukuha sa akin!" Muling sigaw ng Katipunero.

Tumutulo na ang dugo sa kaniyang mga mata. Itinaas ng Heneral ang kaniyang kanang kamay at kinuyom. Magkakasunod na suntok sa mukha ang kaniyang natanggap.

Dalawa sa kaniyang mga alipores ay hinawakan ang magkabilang bahagi ng braso ng kawawang binata at ang isa naman ay hinawakan ang ulo. Pinilit nilang ilabas ang dila ng pobreng Katipunero at matapos noon ay gamit ang kutsilyo ng heneral ito pinutol.

"Ngayon! Hindi na ka talaga makakapagsalita" halakhak niya.

Pakawalan na iyan! Wala nang pakinabang sa atin.

Niluwagan ng mga Kastila ang hawak sa rebelde na ngayon ay duguan na. Iikaika siyang naglakad palayo dahil narin sa bugbog na natamo kanina.

Muli itinaas ng heneral ang kaniyang kamay at kinuyom. Matapos nito ay inilabas ng mga Kastila ang kanilang mga tabak at nanakbo patungo sa naglalakad na Katipunero.

Isang malakas na taga sa tagiliran, at sinundan ng kaniyang pagkabagsak. Hindi pa sila natapos at inisa-isa ang kaniyang mga daliri sa paa at kamay na hiniwa din. Ang berdeng talahiban ay napintahan ng pula.

Maririnig ang mga alulong sa halang na kaluluwa ng mga Kastila . Napakaraming taga pa ang sumunod, hiwa sa braso, sa binti at sa tuhod. Nagkahiwahiwalay bahagi ng katawan ng katipunero. Ngunit siya ay humihinga parin.

Gumapang siya palayo ngunit nawawalan na siya ng lakas. Putol na ang kaniyang braso at binti binuhat siya ng Heneral hawak hawak ang kaniyang buhok at matapos noon ay pinugot ang kaniyang leeg.

Gumulong ang kaniyang ulo malapit sa pwesto ni Ineng. Hindi na nagabala pa ang mga Kastila na habulin ang ulo at sila ay umalis na sa pinangyarihan ng kaganapan.

Napanood ng musmos na bata ang bawat detalye nito hanggang sa paggulong ng ulo nito sa kaniyang kinalalagyan.

"Ang ganda!" Sambit ng bata habang minamasdan ang pugot na ulo ng Katipunero. Kumikinang ang mga mata at nakangiti sa walang buhay na nilalang.



Gore ang temang T-Serye namin ngayong Linggo at sa totoo lang ang hirap nya para sa akin lalo na ang mga larawan. Mabilis akong matakot at madiri sa may kulay. Bahala na kayo sa imagination ninyo kung ano ang nakita ni Ineng sa parang.

Ipinapasa ko na ang kwento sa mga kasamahan ko sa team na sina @twotripleow, @czera at @chinitacharmer

Sort:  

Magandang setup ito TP-bro at talagang nakaka-intriga ang nabuong karakter ni Ineng. Interesante ang parating na development panigurado sa karakter na yun at kung ano ang magiging epekto nya sa tensyon sa pagitan ng mga Kastila't Pinoy.

Laking pasalamat ko na naging mabait ka sa pagpili ng mga larawan. Hindi ganun kasaklap. Pero medyo hindi ko na ninamnam ang gore na mga bahagi haha. Buti limitado lang ang mga larawan :)

Hahaha ang hirap maghanap ng mga larawan na gore like chop-chop na katawan atbp.

Tsaka bago ko pa maupload baka nag throw up na ako.

Ginawa ko sya habang naghihintay sa medical kanina. Ang bagal ng serbisyo nila kasi hahaha

Marami pang mangyyayaring eksena na mapapaisip ka kaya wait ka lang sa karakter ni Ineng.

Haha. Thankful ako sa konserbatibong papicture. Ewan ko lang kay Maine at kay Czera kung kakayanin ko yun visuals nila haha. Maganda ang build up talaga dito, ang creepy ni Ineng.

Basahin mo rin yun sa grupo namin, safe ang mga pictures haha.

On it na @jazzhero hahaha safe sa pictures ha. Okay na ako sa imagination. Wait ka lang.

Yes, mabait si Manong. Nung sinabi ni Lingling na max 3 pictures ay inalis nya yun isang un-safe hahahaha. Tapos ako - alam mo na. Kaya safe talaga din ang post ko.

Ang husay ng paglalarawan TP. Na establish agad ang spooky setting ng nayon, at umpisa palang brutalan na talaga haha. Di na muna ako mag komento pa nang mahaba at baka ma spoil ko pa. Mahusay mahusay! 😃

Parang nabitin pa ako sa pagiging brutal nila. Maganda sana mag upload ng gore na images kaso nako takot din ako. Hahaha

Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...

Red : Mahusay ang setting, panahon ng Kastila, may nagaganap na himagsikan, may patayan at curfew, detalyado ang paglalarawan. Pati na rin ang panimulang paglalarawan sa mga pari, maisasaloob mo talaga ang abuso sa kapangyarihan ng mga mananakop. Bumilib talaga ako sa naisip na setting. Pati ang mabusising paglalarawan at pagbibigay-detalye sa ilang kaganapan sa kwento.

Pinkish : Hmmm... Maganda! Pero mas may igaganda pa kung medyo Spanish din o Spanish-like spelling ang dayalogo ng mga Kastila. Ang paggamit ng salitang "Indio" sa halip na "alipin" ay mas preferred ko. Paumanhin sa pagpuna pero nakatuon talaga ako sa dayalogo at script. Ninanamnam ko kasi na parang isinasapelikula ang mga kaganapan sa kwento. At alam ninyo naman sa pelikula, hindi pwedeng puchu-puchu lang ang script. Pero overall, nagustuhan ko pa rin naman. Nakulangan lang ako ng very very light.

Dark : Ako naman gusto kong purihin ang pag-cut mo sa paragraph para hindi maging wall of text. Ang swabe lang ng pagkakaputol kaya hindi ka tatamarin na basahin dahil nakakapahinga ang mata mo. Limitado sa dalawa o tatlong pangungusap kada paragraph kaya maayos at orderly ang format ng babasahin. Maganda din ang choice of words. Para sa akin, kumpletos rekados ang piyesa na ito (kahit na hindi pa katapusan ng kwento).

Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng unang kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @tpkidkai makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph

  • wow hanep ang mga hurado may pa-ganito na . iba
  • hinahanap ko yung "its a yes for me. Pasok ka na sa next round"

"Ang ganda!" Sambit ng bata habang minamasdan ang pugot na ulo ng Katipunero. Kumikinang ang mga mata at nakangiti sa walang buhay na nilalang.

  • ito yung nagdala eh
  • adik si Ineng, naparami ng inom ng lambanog
  • sana walang Ineng sa totoong buhay
  • galing galing mo talaga pinuno

Congratulations @tpkidkai! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Napaka-descriptive ng pagkakasulat at ito'y magandang halimbawa ng balanced showing and telling. Mas effective talaga sa gore na tema kapag detalyado ang mga eksena kaya nagagalingan ako sa pagkakasulat. Effective na effective kasi nandiri ako sa detalyadong pagpatay sa katipunerong iyon, at iyon naman talaga ang purpose ng tema, ang mandiri kaming mga mambabasa. Pero nawindang ako kay Ineng at nagagandahan siya sa pugot na ulo! Akala ko sisgaw siya at tatakbo e. Pero ang galing at hindi iyon ang naging reaksyon ni Ineng! Nice one, TP! :)


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Huhu, kaya pala sabi nung bata ang ganda ng pugot n ulo, gore pala ang tema.

May sayad s utak n bata! 😂 Cheret. Pwedeng maging embalsamador or doktor yan. 😂

Posted using Partiko Android

Yes medyo gore ng bahagya yung kwento ang hirap mag explore ng ganyang genre dapat ma detalye sa pagpatay at madugo. Balik nalang ako sa they lived happily ever after na genre.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96989.50
ETH 3378.64
USDT 1.00
SBD 3.23