RE: Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Unang Bahagi ng Unang Pangkat/ "Dinuguan"
Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...
Red : Mahusay ang setting, panahon ng Kastila, may nagaganap na himagsikan, may patayan at curfew, detalyado ang paglalarawan. Pati na rin ang panimulang paglalarawan sa mga pari, maisasaloob mo talaga ang abuso sa kapangyarihan ng mga mananakop. Bumilib talaga ako sa naisip na setting. Pati ang mabusising paglalarawan at pagbibigay-detalye sa ilang kaganapan sa kwento.
Pinkish : Hmmm... Maganda! Pero mas may igaganda pa kung medyo Spanish din o Spanish-like spelling ang dayalogo ng mga Kastila. Ang paggamit ng salitang "Indio" sa halip na "alipin" ay mas preferred ko. Paumanhin sa pagpuna pero nakatuon talaga ako sa dayalogo at script. Ninanamnam ko kasi na parang isinasapelikula ang mga kaganapan sa kwento. At alam ninyo naman sa pelikula, hindi pwedeng puchu-puchu lang ang script. Pero overall, nagustuhan ko pa rin naman. Nakulangan lang ako ng very very light.
Dark : Ako naman gusto kong purihin ang pag-cut mo sa paragraph para hindi maging wall of text. Ang swabe lang ng pagkakaputol kaya hindi ka tatamarin na basahin dahil nakakapahinga ang mata mo. Limitado sa dalawa o tatlong pangungusap kada paragraph kaya maayos at orderly ang format ng babasahin. Maganda din ang choice of words. Para sa akin, kumpletos rekados ang piyesa na ito (kahit na hindi pa katapusan ng kwento).
Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng unang kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @tpkidkai makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph
- wow hanep ang mga hurado may pa-ganito na . iba
- hinahanap ko yung "its a yes for me. Pasok ka na sa next round"