Tagalog Serye: Ikalawang Bahagi ng Ika Unang Pangkat ||Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia

in #tagalogserye7 years ago (edited)
Ang nakaraan...

Walang ka abog-abog ay agad nang hinalikan ni Pepe ang dalaga. Puting liwanag ang bumalot sa kanilang dalawa at ang marka ng pagka-alipin sa may leeg ay biglang nawala. Naging matagumpay ang pagsasalin ng mana sa kaniya at unti-unting dumilat ang mga mata ng dalaga. Isang napakagandang dilag ang tumambulat kay Pepe, mas maganda ang alipin sa prinsesa ng palasyo.

Samantala sa malayong malayong banda ng kalawakan...

images (20).jpeg

Pinagkunan

Nag-uumusok ang ilong ng pinuno ng planetang Tokkamel. Katatapos lang ng VC niya sa kaniyang sugo sa Earthia. Paano'y malapit nang maubos ang kaniyang pasensiya sa kawal na ipinadala upang maghasik ng kaguluhan sa naturang planeta. Naiinip na siyang maging ganap ang transpormasyon nito upang masimulan na niya ang paglipol ng sangkamunduhan. Naalala niya ang unang pagkakataong sinubukan niyang sakupin ang Earthia. Siya mismo ang nagtungo doon at binansagan siya ng mga nilalang doon bilang Hari ng Kadiliman. Hinadlangan siya ng isang kinikilala nilang Bayani. Nakuyom ni Pinunong Kron ang palad sa alaalang iyon. Sa sobrang galit ay napabulalas na naman siya. " “Ano gang problema nga mga pukares na tagalupang are? Di ga nila naiintindihan na sila ga’y mga tinutulungan na dine ih. Mga utak bi-ya! Kuh, kayo’y husay saken!"

Sa mga narinig ay kanya-kanyang bukas ng talasalitaan ang mga nakapaligid. Kaniya kaniyang punas ng nagduguang ilong ang mga ito. Tila nawala sa sarili ang mga ito at napabulalas, "Ang lupit mo talaga pinuno! Wala kang kakupas kupas!" May ibang kinailangang salinan ng dugo para hindi bawian ng buhay. Ngunit tila hindi iyon alintana ni pinunong Kron at mukhang hindi pa siya kuntento sa paglalabas ng galit. Nag summon siya ng isa sa mga punong kawal "BD Boom! Pumarine ka, madali!" Nalalaman na agad ng isa pang alagad na si Dziemmie na babagsak ng malupit na rap si Pinunong Kron. Nagmakaawa itong huwag nang ituloy ang binabalak. Mantakin mo naman kasi'y mauubusan na sila ng kawal dahil kapag ang pinuno ay nagsimulang mag-rap ay sumasabog talaga ang utak ng makakarinig lalo na kung hindi nito kayang sabayan ang mga salita.

Ipinatawag ni Pinunong Kron ang mga matatapat niyang alagad at sinimulan ang pulong. Gamit ang hologram na telekomunikasyon, tumawag sa Earthia si pantas na Minmin para makontak ang mga alagad na Jaime Sanidad. Nagulat pa si pantas na Minmin nang ang makasagot ay si Romayski. Kinakailangan na palang dumaan ngayon sa contact center ang lahat ng komunikasyon papunta sa Earthia. "Maraming salamat sa inyong pagtawag. Mangyari po lamang na banggitin ang ngalan ng nilalang na nais makausap." Nagtataka man ay binanggit ni Minmin ang pangalan. "Paumanhin. Maaari lamang po na pakiulit nang mas maayos ang ngalan ng nais makausap." Minsan pa ay binanggit ulit ni Minmin ang ngalan ni Jaime. "Paumanhin--" Hindi na natapos ni Romayski ang spiel dahil iniharap na ni Pinunong Kron ang video Cam sa kanya at nanlilisik sa galit na nagsalita. "Garne'ng ako'y wala sa mood na makipagkulitan sa iyo'y masasampiga ka sa akin. Ipakausap mo sa akin si Jaime Sanidad kung hindi ay ipatatawag ko ang iyong bisor!" Kumuha ng panyo ang aliping tagasagot at nagpunas muna ng dumugong ilong bago sumagot. "Pinunong Kron naman, hindi ka na mabiro. Tinetesting ko lamang ang aking pangdiinang boses. Baka sakaling makahanap ako ng iba pang makaka-VC pag nasanay na ako." At iniabot na ang hologram na relo kay Jaime.

"Handa na ang lahat pinuno. Sinigurado na namin ni Rodyliana Gandarita na ang lahat ay maayos na bago pa man magsimula ang transpormasyon ni DeShawn." banggit nito habang sinulyapan ang partner na abala sa pagaayos ng antenna na magsisilbing tagapagtanggap ng signal na ipapadala ng space ship na sasakyan ng pinunong Kron sa pagpunta nila sa Earthia.

Tila nakuntento sa narinig, sumandal sa trono ang Pinunong Kron. Maisasakatuparan niya na ang kanyang bisyon para sa Earthia. Hindi lamang nauunawaan ng mga nilalang doon ang kanyang adhikain. Nais lamang niyang makitang magpunyagi ang lahat ng naninirahan doon. Nais niyang maliwanagan din ang naninimdim na kinabukasan ng mga ito.

Ayaw tanggapin ng mga ito ang kaunlarang kanyang iniaalay. Mas nais ng mga ito ang makalumang pamamaraan ng pamumuhay. Mas gusto nilang maghuntahan sa oras ng siesta kaysa sa mag rap at kumanta. Mas gusto nilang sumakay sa kabayo kaysa magsuot ng lumulutang niyang sapatos para sa transportasyon.

Tinipon niya ang mga taga Tokkamel para maghanda sa kanilang paglalakbay. "Malapit na nating maisakatuparan ang ating mga binabalak. Kaunting panahon na lamang at handa na ang transpormasyon ni Deshawn. Kung ayaw ng mga taga Earthia ang ating ibinibigay, ipakikita natin ang kahalagahan nito. Hindi lamang nila naiintindihan ang mga posibilidad na maaari pa nilang magawa sa pamamagitan ng teknolohiyang galing sa planetang Tokkamel. Isiwalat natin ang teknolohiya at kaalaman! Mabuhay ang Tokkamel!" At buong pagmamalaking sumigaw ang mga Tokkamelton. "Tokkamel! Tokkamel! Tokkamel!"(100x. nakakapagod mag type!)

Si BD Boom na tagapamahala ng beatbox ni Pinunong Kron sa twing nagrarap ay siya ring tagapamahala ng kanilang spaceship. Muntik na siyang bagsakan ng ultimate special power nito: ang "Ala ey tatas tagalog rap" nang maulinigan ni pinunong Kron na tumatawag sa tech support. "Hindi po gumagana ang motor Pinuno! Nagawa ko na ang lahat ng basic troubleshooting pero ayaw pa rin pong gumana." Mabuti na lamang at nakita iyon ni pantas na Minmin. Bilang siya lang ang may kapangyarihang pakalmahin ang pinuno ay agad niyang napihilan ang isa na namang duguan ng ilong. Sa gitna ng kaguluhan ay biglang pupugak pugak na tumunog ang motor ng spaceship. "Kailangan mo munang bunutin ang charger, BD Boom. Itong pinakabagong modelo ng spaceship natin ay may safety feature para maiwasan ang pag-short circuit na kadalasang dulot ng paggamit nito kahit habang nakasaksak." wika ni Dziemmie habang hawak hawak ang charger ng spaceship.

71c5AmgwzcL._SY717_.jpg

Pinagkunan

At sila ay pumuwesto na sa kani- kaniyang pwesto sa spaceship para simulan na ang paglalakbay patungo sa Earthia.

"Mabuhay ang Tokkamel!"


Itutuloy

Unang Pangkat
@romeskie , @cheche016, @jampol, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26

Ikalawang Pangkat

@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer

Mga Elementong Ginamit:

Slavery
Rescue
Transformation
Tema:

Sci-Fi
Mga Karakter:

Bayani: Pepe ( talagang Pepe ang ginamit sa kwentong ito dahil may mga supresa pang susunod).
Villain: DeShawn( Ang halimaw na gustong pagharian ang buong mundo)

Bilang ng mga salita: 909


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

Sort:  

grabe ang laughtrip talaga ate @romeskie sobrang nakaka-enjoy ng kwento mo. pero kapag nagalit si Pinunong Kron, wag sana ako madamay dyan. nanganganib pa ang curie ko. bukas pa ang payout nun. waaaah! 😱 "Mabuhay ang Tokkamel!" 😂

Hahaha. Hindi magagalit yan si Pinunong Kron. Featured na featured ang pagraral nya, ay aba! Hhahah

Grabe lakas ni DeShawn sigurado. May mas lulupit ba sa kaniya? at walang gayahan haha sa'min lang mayroong punto ng isang batangyenyo haha.

Humanap pa ako ng batangueño at naghanap talgga ng talasalitaan para lang makatotohanan yang salitang pukares na yan. Hahaha

Hahaha! Laftrip to momshie! Olodi ka talaga! Gusto ko ang karakter ko rito, kagalang-galang! haha

Haha. Pabebe nang very very light teacher Minmin. Hahaha

ang dami kong tawa
hahahahaha ( 100x nakakapagod magtype)

Sabaw na din ang utak ko bes! Kaya tinamad na rin mag type.. hahaha (100x)

kung ganito kaganda ang produkto ng sabaw.. gusto ko na maging sabaw

Hahaha grabe sobrang aliw! Ang kulit tawa ako ng tawa habang binabasa yung serye mga 20x lang ayaw ko ng 100x baka ma cheetah ako.

Si Pinunong Kron talaga ang dapat katakutan! Mabuhay ang Tokkamel! Lupigin ang Earthia para sa flip top battle!

O diba. Nisali ko pa ang mga bayaning puyat. Para di sila mawalan ng work, pati olanetang tokkamel client na rin nila.

hahah ako na bahala sa escalation call. Pag nagkataon aawayin ko.

Haha. Kahit papaano namiss ko rin mag calls kaya sa kwentong ito, pinag calls ko na ang sarili ko. Hahaha. Yun nga lang baka esca nga. Mukhang hindi natuwa si pinunong Kron eh. Hahaha

Nakakatuwa naman to... hahaha. Sa sobrang tagal kong absent ngayon ko lang nalaman na meron nito. Galing! haha..

Naalala ko yung mga komiks na binabasa ko nung bata ako, na tig lilimang piso sa palengke.hehe.

At ang ganda ng footer mo, Priestest Misao. :)

Sali ka rin minsan vin. Hahaha.

Salamat. Gawa yan ni @junjun-ph. Namiss ko tuloy mag "Heal!" Level 10. Hahaha.

Yung imahe galing sa ragnarok website a haha. Di ako artist XD
Pero yun banner espesyal na ginawa yan para sayo bilang olodi.

Kuya @davinsh, sali ka rin sa susunod na round ng #tagalogserye.

Hahaha kapatid merong ganito Lingguhan to o maliban nalang kung may nagawa sila @toto-ph na contest mga busy yung mga iyon. Sali ka din minsan para masaya

I just came across your post while I was finding posts to feature and to be honest, I'm impressed that this was your original writing. This series is in dire need of exposure and it deserves more love than what it's currently getting. May the force be with you, @romeskie!

This post will receive 100% upvote from this account, upvotes from SteemPH curation family.
Please do not forget to support our kababayan steemians we featured along with you yesterday...

https://steemit.com/steemph/@steemph.manila/steemph-manila-daily-featured-posts-13-june-2018

This is @steemph.manila's effort to provide additional exposure to budding Steemians who exert effort to make awesome contents.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 104227.49
ETH 3285.05
SBD 4.11