Tagalog Serye: Ikalimang Bahagi ng Unang Pangkat ||Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia
WARNING : Read at your own risk!!!
With Enes-Ep-Dobol Yu content that will blow your mind
Kapag hindi mo pa nababasa ang mga kwentong ito,
ibig sabihin hindi pa kumpleto ang iyong pagiging ganap na TAO
at hindi mo pa nahahanap ang tunay na PURPOSE mo sa buhay...
Unang Bahagi pambungad
Ikalawang Bahagi pangdiinan
Ikatlong Bahagi pantanggal umay
Ika-apat na Bahagi pampawala ng respeto
At ngayon, ako naman ang maghahatid ng Ikalimang Bahagi pamblackmail sa kalaban
Lez girit!!! 😎
Ang Nakaraan..
Si De Shawn ay sinalinan ng kung anu-ano upang ito’y maging malakas ulit. Ngunit ayon kay Dr. Valerie-Kalerky na gumagawa ng proseso, sa hawak niyang Power Meter ay kulang na kulang ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ni Deshawn.
"Pinunong Kron, hindi sapat ang mga dugong dumadaloy kay Deshawn upang siya ay makapagpalit ng anyo! Siguro ito na ang tamang panahon upang kayo mismo ang sumanib sa katauhan ni Deshawn at makamit ang kapangyarihang minimithi. Eto ang kauna-unahang Fusion na magaganap sa kasaysayan.
Ang Pagpapatuloy..
"Ala-eh hindi kam-eh pwedeng magsanib ni DeShawn. Aba namang kadiri ang gay-own pumapatol sa kapwa lala-keh ay!", galit na wika ni Pinunong Kron. "Kahit na anong mangyari ay--" hindi na natapos ni Pinunong Kron ang kanyang paglilitanya dahil unti-unti siyang nawalan ng malay dahil sa itinurok sa kanya ni Dr. Valerie-Kalerky na gamot pampatulog.
Ang gamot na iyon ay gawa sa ihi ng camel na mahilig, galing UAE at may sangkap na luha mula sa buntis na balyenang may batik na kulay fushia fuchia fuschia fucha red sa mata. Sobrang tapang ng formula na ito, magagawa nitong mapatulog kahit na ang pinakamalakas na nilalang sa buong kalawakan. Subalit nag-iisa na lang ang gamot na iyon at nagamit na nga kanina upang mapatulog si Pinunong Kron.
"Ngayon ay pwede ko ng pagsamahin ang kapangyarihan ni Pinunong Kron at ang halimaw na si DeShawn para makalikha ng Imortal na nilalang. At tatawagin ko siyang 2tripleKen Doll!!! Nyahaha haha haha!", pagmamalaki ni Dr. Valerie-Kalerky
Bigla niyang binuksan ang zipper sa likod ng damit at tinanggal ang maskara. Nagpapanggap lang pala siya na si Dr. Valerie-Kalerky. Nang matanggal ang kanyang maskara, isinuot niya ang kulay itim na shades at itim na jacket na may hood.
"Bwah hah hah! Madali ko na masasakop ang buong mundo dahil sa 2tripleKen Doll na ito. Ito ang pinakamalaks na likha ko, bukod sa mga nilalang na EXKO." boses iyon ni Dr. John D. Paul.
"At ngayon, kailangan ko ng maipwesto si Kron at DeShawn nang baliktaran at ipapasok ang bahaging ito ni Kron sa bibig ni DeShawn. At si DeShawn din naman sa bibig ni Kron. Ayan! Hihintayin ko na lang na dumaloy ang malakas na pwersa at magsasanib na ang kapangyarihan ng dalawa. Bwah hah hah! (hi~yesss nakabawi 😂)"
At naipasok na nga ang hinlalaki (na anes) sa kanang paa ni DeShawn sa bibig ni Pinunong Kron at ang hinliliit (na anes) sa kaliwang kamay ni Pinunong Kron sa bibig ni DeShawn. Unti-unting dumaloy ang napakalakas na kapangyarihan, at sumabog ang katawan ng dalawa dahil sa matinding lakas na naipon.
Mula sa usok na kulay itim ay lumabas ang isang mabangis at nakakatakot na nilalang. Ito ang fusion ni Pinunong Kron at DeShawn. Isang nakakatakot at kagimbal-gimbal na halimaw na kayang pumuksa ng kahit anong nilalang sa kalawakan. Kahindik-hindik ang hitsura nito at sobrang nakakakilabot ang porma nito.
Naramdaman ni Pepe ang malakas na pagsabog at pati ang malakas na aura mula sa pagsabog kaya dali-dali niyang pinuntahan ang pinangyarihan ng krimen.
Sa kabilang dako naman ng kalawakan ay may isa pang nilalang na nakaramdam ng malakas na pagsabog at malakas na aura. Gamit ang mahika, inalam niya kung paano makapunta sa lugar na iyon. At dali-daling sumugod din sa pinangyarihan ng krimen.
Sa isang iglap ay nakarating agad si Pepe sa lugar kung saan naganap ang pagsabog. Kasabay niya ay unti-unting lumapag ang isang spaceship na hugis paa ng camel at bumukas ang pintuan nito. Mula sa tube na tinatawag na FOLLOWPIAN ay lumabas ang isang edad 60 na ginang, nakasuot ng spaghetti strap at mini skirt, makapal na reading glasses, 3inches na stilleto, at may hawak pa na Vodka Cruiser sa kanang kamay.
"Ikaw ba yan Pepe ko?", tanong ng ginang.
"Ako nga po si Pepe. Pero hindi ko po kayo matandaan."
"Ako ito anak. Ang iyong ina, si Chodora SoAlone."
"Huh?! Totoo po ba ito? Inay, hindi ko po kayo nakilala."
"Halika anak. Yakapin mo ako. Sabik na sabik na akong mahawakan at mahalikan ang Pepe ko. Matagal akong nangulila dahil hindi ko na nagagawang laruin ang Pepe ko.", maluha-luhang sabi ng ina.
"Inay, nakakahiya naman po. Hindi na ako bata para makipaglaro pa sa inyo. Malaki na po ako inay."
"Oo nga anak. Anlaki-laki na ng Pepe ko. Pakurot nga..." sabay kurot sa pisngi ng anak. "Ang sarap talaga lamutakin ng pisngi ng Pepe ko." sabay halik sa pisngi ng binata dala ng labis na panggigigil.
"Tama na po inay, andaming nanonood oh. Nakakahiya po sa kanila."
"Pagbigyan mo na ako anak. Nanggigigil lang ako sa Pepe ko. Namiss ko kasi haplusin ang Pepe ko."
"Tigilan nyo na ang tunog double meaning na usapang yan." sabat ni Dr. John D. Paul. "Hindi ninyo matatalo ang aking bagong nilikha. Bwah hah hah!"
"Inay, tumabi po muna kayo sandali. Lalabanan ko lang itong masasamang loob na gustong sakupin ang mundo."
"Sige anak! Kapag kailangan mo ng tulong ko nasa likod lang ako smoking weeds and drinking hard."
"Inaaay!", paninita ni Pepe sa sinabi ng ina.
"Whut?! Am'a Millenial!", pagmamalaking wika ng ina nito.
Sinugod ni Pepe ang doktor, pero bago pa siya makalapit ay humarang na agad ang 2TripleKen Doll para protektahan ang doktor. Inikutan ni Pepe ang doktor pero mabilis din na humarang ang manika dito.
"Mukhang mabilis ka nga ah!" sambit ni Pepe. Pero hindi uubra ang bilis mo sa mahika ko. "Tanggapin mo ang mainit-init at nagbabagang balls ko-- Fireball Blast!" at mula sa kamay ni Pepe ay lumabas ang bolang apoy at mabilis niya itong ibinato sa manika. Hindi man lang nalapnos ang katawan ng manika sa init ng apoy na pinakawalan ni Pepe. Wala ring bakas ng pagkapaso na makikita mula dito.
Ngayon naman ay isang malaking alon ng tubig ang nabuo mula sa likuran ng manika. Marunong din pala gumamit ng mahika ang 2TripleKen Doll. Hinampas ng malakas na alon si Pepe at halos mabuwal siya mula sa pagkakatayo.
"Ooooh! Basang-basa na ang Pepe ko.", pangambang tugon ni Chodora.
"Tumigil ka na, ang corny na!", galit na sagot ni Dr. John D. Paul.
Dahil Sci-fi ang tema, naglabas ng armas si Pepe. Ang kanyang matigas at naghuhumindig na sandata... ang Light Saber ni Pepe na kulay asul. Hindi naman nagpatalo ang manika at naglabas din ng double end Light Saber na kulay pula. Nachallenge si Pepe kaya naglabas siya ng Complete fusion Buster Sword. Niyabangan naman siya ni 2TripleKen Doll sa pamamagitan ng paglabas ng Lionheart Gunblade. Nainis na si Pepe at itinutok ang kanyang Repulsor Beams sa manika. Inilabas naman ng manika ang Proton Cannon at tinutukan din si Pepe.
Inilabas na ni Pepe ang kanyang huling sandata. Ang pinakamalakas niyang kapangyarihan-- ang mind-control. Sinubukan niyang pasukin ang isip ng manika at pahinain ito. Nagtagumpay si Pepe at unti-unting napaluhod ang manika.
Matatalo na sana ang manika, nang biglang sumingit si Dr. John D. Paul at may inilabas mula sa kanyang Bag of Surprises. Isang glossy na magazine na may hubad na larawan ni Mary Lionel Therese ang ginamit upang ma-distract si Pepe. Nawala ang focus ni Pepe at nanumbalik ang lakas ng manika nang makawala mula sa mind-control ni Pepe.
"Kailangang makuha ko din ang malakas na kapangyarihan ng bayaning ito.", ganid na paghahangad ng doktor.
Hinanap niya ang injection na may natitira pang formula na ipinangturok niya kanina kay Pinunong Kron. Agad niya itong itinurok kay Pepe. Nawalan naman ng malay si Pepe at humandusay sa sahig. Ibinuka niya ang bibig ni Pepe at pinilit na papasukin ang Kaluluwa ni 2TripleKen Doll sa katawan ni Pepe gamit ang Wireless File ay este Life Transfer Program. Ang Wireless Life Transfer Program.
"Eeeeek! Pinasok ng malaking halimaw ang Pepe ko! Aaaaah! Hindi ko kaya itoooooh! Oooooh!" gulat na bulalas ni Chodora.
"Just shaddap you mother-packing-tape, scotch tape, masking tape!" galit na utos ni Dr. John D. Paul
Nang dumilat si Pepe ay naging kulay berde na ang kanyang mga mata, pati utak. Tumubo ang kanyang matatalas na kuko at matatalim na pangil. Lumaki ang kanyang katawan na parang dinaig pa ang nag-gym at uminom ng Protein Shake. At nabalutan siya ng kulay berde na aura na sumisimbulo sa nag-uumapaw na kapangyarihan nito.
Kanyang nasambit... "Tokkamel! Tokkamel! Tokkamel!" (repeat 100x until fade)
日本つづく Ichecheret
Balik Biyaya
Mula sa pangunguna ni @toto-ph ng TagalogTrail, naisipan naming gumawa ng proyekto na kung saan ibabahagi namin ang mga natatanggap naming biyaya sa mga nangangailangan. Napagdesisyunan ng tropa na gamitin ang malilikom na halaga para sa "Pag-aralin kita benefit program" na kung saan isang mapalad na estudyanteng may kapansanan ang tutulungan naming matustusan ang kanyang pangangailangan sa eskwelahan, bukod pa sa tuition fee nito at ibang gastusin. Ang makukuhang payout mula sa TagalogSerye ay buo naming ibibigay sa estudyanteng aming napili. Maaari ka ding magbahagi ng tulong sa pamamagitan ng pag-upvote at resteem sa mga kwento ng TagalogSerye o kaya naman ay direktang magdonate ng SBD sa account ni @tagalogtrail.
Anumang halaga, maliit man o malaki ay malayo ang mararating. Kunyari hindi ako nag-plug at kunyari hindi pang-spam ang aking ginagawa. Maraming Salamat po! Nawa'y makaabot sa mga whales itong mensahe. Always be a blessing to others. 😊
And now, back to regular programming...
"Bwah hah hah! Masasakop ko na ang mundo!", boses ng tagumpay ni Dr. John D. Paul.
Nang may marinig siyang tinig na tumawag pansin sa kanyang paghalakhak.
🎵🎶Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say my heart is floating in tears
When you pass by I could fly🎵🎶
"Teka, mukhang pamilyar sa akin ang boses na iyon ah." at nilapitan niya kung saan nagmumula ang tinig.
Sa isang silid ay isang bilugang babae na hugis siopao ang mukha, nakasuot ng flat shoes at teacher's uniform. Sa kanyang sukat na 5'2 ay bumagay lalo ang pagiging cute nito.
Nanlaki ang mata ng doktor at naging hugis puso. Ang matigas at matapang na pagkatao nito ay unti-unting lumambot nang makita ang babaeng mukhang siopao. Nilapitan niya ito at tinanong...
"Hello there pretty lady! Pwede ba kitang yayain para magkape? Pramis, hindi ito Networking." pag-iimbita ng doktor.
"Sure! But I prefer going to my place and brew some freshly ground coffee instead. Want to come with me in Tagum?" ingglesera ang lola mo dahil isa siyang celebrity.
"Syur manure! Siyet aylayket! Lezzzgow!" mabulol-bulol na sagot ng doktor.
At tuluyan na niyang iniwan ang Evil Hero na si Pepe at sumama sa Pantas na si Minmin patungong Tagum upang doon maghasik ng lahi. Ay este, maghasik ng lagim.
boboto kita ulit na olodi(ck)ng tambayan...
isa itong masterpiece
kailangan ko pumuunta sa doktor
nawala sa align ang panga ko kakatawa
huwaha buwaha wahaha (ubo ubo ubo )
tapos tawa ulit huwahahaahahahahaha
nyahaha! basta mga green talaga.. naku! naku! number one kayong mga master. lalo ka na master hokage @beyonddisability BD BOOM. nyahaha! 😂
sayo ako nagmana. Ikaw ang nagimpluwensya sa akin.
nagkakaroon na ako n gsplit personality dahil sa impluwensya mo
ang saya nito
Hahaha! Sumakit panga ko sau Japs!
Ang ganda ng description ko ha, babaeng mukhang siopao! Langya ka! 😅🤣
Pero kahit di q pwede ipabasa to sa aking estudyante, dahil sa NSFW na content, makakarating ang tulong at ang pangalan mo sa kanya. Salamat sa support. 😄
uy wala naman akong sinabi na ikaw un. nyahaha! baka kapangalan mo lang.
wala kang maipapabasa na kwento sa estudyante mo dahil lahat ng gawa ay puro NSFW nyahaha! di ba ate rome, cheche, oscar, 2k, bd, rodylina, jemzem? ung kay pinunong tp lang yata ang wholesome 😂😂😂
Hahaha! Lahat na naging green. 😅
Di nga aq yan. Di naman aq teacher, na 5'2 ang height, na may mukhng siopao, at nakatira sa Tagum. Kapangalan q lng talaga yan! 🤣
Wholesome yung ginawa ko. Scifi drama mystery action ewan ko lang pagdating kay BD naging iba naging erotica haha.
sa presinto ka na magpaliwanag. nyahaha! umamin na ung manong na ikaw daw talaga pasimuno ng lahat. at kung bakit naging green na ang mga kwento. lakas ng impluwensya mo master @twotripleow 😂
Pahimas nga ako kay Pepeng mabango at Pepeng matambok nyahahahaha.
huy master, walang mabango at matambok! nyahaha! 😂
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Hahahhaa riot na sumali na si Dok John P. Paul sa eksena. Kagulo lalo
Ay grabe sha. Hahaha kaya pala balik dangal. 😂😂😂 Pero natawa naman ako ng ilang beses. 😂😂😂