Ikatlong Linggo ng Pinoy Henyo sa Discord (tagalog version)

in #steemph7 years ago (edited)

phw3.jpg


Tuwing sasapit ang araw ng Linggo may tagisan na nangyayari sa SteemPh Discord ito ay ang "Pinoy Henyo" kung saan ang mga kalahok ay mag-tatagisan nang talino. Noong una ako'y nahihiya na mag-sulat sa wikang Tagalog sa hindi ko mawaring dahilan salamat kaibigan boss @jemzem at ngayon ako'y nakakapag-sulat na. Sa ganitong paraan ay mas maiidetalye ko nang mas mabuti ang ulat pa-tungkol sa nasabing tagisan.


Ika 10:34 impunto ng gabi nang mapagpasyahan ko na simulan na ang tagisan nang talino, sapagkat gumagabi na at may pasok pa sa trabaho ang mga kalahok bukas. Ito na nga tayo sa unang tanong palang tila hindi na nila masasagot ngunit may isang sumulpot na tila isang ulupong na galing sa kung saan, si @tarsivy na mahiya mo si madam Auring kung mang-hula, sapantaha ng nakakarami ako'y nag-luluto ng paligsahan pero hindi ako ay patas na tiga paanyaya, akalain niyo hindi naman niya naririnig ang aking tinig pero buo ang loob niya na sinagot ang "kulambo" at hindi lang iyon sa pangalawang tanong madali rin niya kaagad nasagot ang "Misamis Occidental", pero hanggang doon na lang pala ang kaniyang suwerte naubos na suwerte sa Sieko Wallet niya, dahil sa hanggang matapos ay napako na lang siya sa Dalawang puntos mantakin mo naka Dalawang puntos agad si Mr. Sabik sa sandaling oras. Lumipas pa ang ilang sandali, sa wakas sumagot na ng putok si manong @oscargabat at siyempre hindi padadaig ang kanyang sinisinta na si @iamqueenlevita, gumanti siya ng sagot "dearjyoce" , ang ating isponsor sa naturang gabi o ngayong Lingo. Hindi papatalo siyempre ang mapagmahal na si boss @iyanpol12 sa pag-tugon ng "oyster sauce", sa isang banda naisip ng aking kababayan nasi @lhey18 na hindi mag-patalo at kailangan din niya mag-tala ng puntos, mga kaibigan gumanti nanaman po ng putok si manong @oscargabat at sumagot ang kanyang sinisinta na si @iamqueenlevita.

May bagong salta nga pala mga kaibigan ipapakilala ko nga pala si boss @labgo na nag-mula sa siyudad ng Cagayan De Oro lalawigan ng Misamis Oriental. Kasabay pa nito ang pag-dating ni boss manager mem @luvabi, habang nag-tatagisan ng talino ang mga kalahok bigla na lamang nag-salita itong si Carlos Jane @creyestxsa94 na may mala anghel na tinig, nagulat ang marami na siya pala ay isang bibini. Iyon ay wala sa kanilang kalkulasyon sapagkat ang kanyang litrato o larawan sa Discord ay isang ginoo! Ang nag-tatago pala sa mala espanyol na ginoo na iyon ay may tinig ng isang nag-susumamong anghel, hindi batid ng nakakarami na ang nasabing larawan ay si Carlos pala ang iniirog ni Jane. Kasunod nito ang pag-sulpot naman ng ating seaman na si @virgo27 naka tatlong dikit dikit na sagot siya mga kaibigan, pero bago pa man iyon halos lahat sila ay nagtaka sa tanong na "kulig" ipinaliwanag ko pa kay ginoong Labgo na ang kulig ay maliit na baboy mas maliit pa sa biik, parang bagong silang na baboy lang o mas malaki ng bahagya, pagka-tapos ay ibinigay ko ang mikropono kay mem @luvabi nang sa gayon ay maipahayag niya ang importanteng mensahe, ayon pa sa kanya may mahalagang piging na mangyayari sa ika 12 ng Mayo sa Luneta Park Maynila. Kung ang nais ay eksaktong impormasyon marahan lamang na inyong kausapin si mem Abi, sabay bati sa'kin ng butihin na asawa ni Abi na si @graymonolith, siyempre tinugunan ko ang pag-unlak niya at doon nag-tatapos ang talumpati ni Abi. Nagkamali pala ako naitantos ko kay boss Iyan ang isang puntos aminado po ako na ako'y nagkamali, bagamat bokya pa rin ang iba at wala pang tantos hindi ito naging hadlang para sila ay mawalan ng determinasyon sa pakikipag tagisan, napaka daming angal nang angal pero ni minsan di ko narining na umangal si kaibigang @jemzem kahit siya pa ay tiga Cebu, aniya "gusto ko din pa minsan minsan na makarinig ng mga salita na hindi ko pa naririnig at nahihiya rin ako magkamali sapagkat ang tawa mo boss ay ubod ng gara". Salamat kaibigan bagamat hindi mo natantusan ang pisara, taas noo mo naman sinasagot ang mga katanungan. Ika nga ni Bamboo "hanggat ako'y humihinga may pag-asa pa" ipanapakita lamang nito na kahit dehado ang mga tiga Visayas at Mindanao hindi sila nawawalan ng pag-asa. Sa huling katanungan na "kulangot" ay para bang nag-bubunyi agad tila narating na niya ang rurok ng tagumpay dali daling niyang binigkas ang salitang kulangot at doon nag-tatapos ang tagisan ng mga talino, "for the win" ika nga ni manong @oscargabat sa wikang Ingles. "Paanas niyang wika sa kanyang sarili". Ang mga katanungan ay ibinase ko sa buhay ng ating isponsor na si @dearjyoce hindi naman lahat pero halos lahat. Matatapos ba naman ang Pinoy Henyo kung walang pangungutya? Siyempre hindi sa pangunguna ni @luvabi sabay sunod sunod na namwiset ang mga kalahok haha ang saya saya. Mawawala rin ba ang videoke session pagka-tapos ng Pinoy Henyo siyempre hindi rin a, dati ako madalas maiwan mag-isa ngayon ay hindi na kasama ko na sina @ahna8911 @tarsivy @iamqueenlevita @sheshebaylosis kahit na hindi na nakakasama si She She ngayon dahil siya ay sobrang abala nag-tungo parin siya doon at batiin ang nanalo na si manong Oscar.


Maraming salamat sa inyong lahat. Maraming salamat @dearjyoce sa kabutihan mo at sa lahat lahat nang bumubuo ng Pinon Henyo na sina @dreamiely "ang nagtatag ng Pinoy Henyo sa Discord" , ang mag-asawang @luvabi at @graymonolith. Siyempre mawawala ba sina @bearone at @cloh76 @cloh76.witness (paki boto siya bilang saksi o testigo o witness kung ano man ang gusto niyong itawag) iyon ay kung hindi pa kayo nakaka-boto. Narito ang talaan ng mga naka-tanggap ng premyo mula kay @dearjyoce. Maski singko po ay walang napunta sa'kin, maliban doon sa isang tao na biglang nawala agad, pero ang natirang 0.10 ay isasama sa susunod na lingo pandagdag pa premyo.
payout.jpg


.

.

.

.




Tars 2 Manong 5 Levi 2 Iyan 2 Lhey 3 Virgo 4 Joyce 1 Carlos Jane 0 Jemzem 0 Labgo 0 Ana 0

  1. kulambo
  2. Misamis Occidental
  3. bota
  4. Dearjyoce
  5. oyster sauce
  6. sampayan
  7. palayok
  8. Batangas
  9. kulig
  10. compass
  11. payong
  12. balisong
  13. labaha
  14. Divine Mercy Shrine
  15. butiki
  16. sakong
  17. kulangot
  18. Claudine Barreto
  19. kapilya
  20. kawayan
  21. tabo
  22. pulbura
  23. pintura
  24. asoge
  25. guya
  26. yero
  27. Limasawa Southern Leyte
  28. tandang
  29. okra
  30. Santa Maria Bulacan
  31. popcorn


GIF-180316_162802.gif

ana.png

Sort:  

..ahahahaha ang dami kong tawa @twotripleow.. dpat s salitang tagalog k nlng lagi..ahahaha

Haha siyempre naman pala palagi tagalog na :D mga ilan tawa mo at ano pinaka nagustuhan mong bahagi?

Congrats to manong @oscargabat. Napakatalino nya. Di ko alam ang kulig, kuliglig alam ko. Hehe

Tinagalog ko na boss para may halong comedy haha narating na ni Oscaar ang rurok ng tagumpay haha

Oo boss. Hall of Famer na ata sya. Hehe

Hindi pa 2 beses pa lang siya nanalo hehe

Ay, akala ko 3 times na. Hehe

2 pa lang, ikaw 3 na. Isa kay Gail 2 beses sakin. Malay mo next week ikaw ulit hehe.

Hahaha! :D grabe siya oh. Mala anghel talaga? Hahaha. :D

Oo naman nagulat sila akala nila lalaki ka pero mali sila. Sa uulitin sali ka ulet saka kung ok lang habaan mo yung sinasabi mo cute boses mo.

Wahaha ang galing ng taga-ulat at host! Kwela din ang pagkakalahad.

Di talaga kinaya ang pagpunta sa kabilang server kailangan mag focus sa GGV gawa ni Moira 💖 💖

ayan lang nakarating karin naman yata sa ruruk ng tapumpay hehe

Ngayon ko lang 'to nabasa at nakakatuwa na iniulat mo ito sa pambansang wika natin. :D
At ako nama'y nahihiya nang bahagya sapagka't nai-featured na naman ako. Hehhehe. Maraming salamat ulit, boss @twotripleow! Kahit bokya pa 'yan, o mahina ang internet connection, sasali pa rin ako. :D

Nahihiya ako sa'yo ang dami kong typo, first time ko mag-basa ng paulit ulit hehe. Sa'yo perpekto pagkakasulat mo at walang maling grammar, bilib na bilib ako sa'yo boss. Lalu sa pag gamit ng "NG" na maiksi at "NANG" na mahaba, napa review ako ng wala sa oras hehe.

Heheheh. Naku, para sa akin, hindi ko naman pinapansin ang typo o mali sa mga sinusulat ng iba. 'Yong laman talaga ang madalas na tinitingnan ko. At saka siguro nasanay na lang din sa pagpo-proofread kaya nalilinis ko ang mga sinusulat ko. Ginagalingan ko na lang sa tagalog kasi medyo tagilid ako sa English. Hehehehe. Ikaw magaling ka both English at tagalog kaya bilib din ako sa 'yo, boss. :)

Minsan hindi ko alam kung seryoso ka o ineechos mo lang ako haha. O gusto mo lang ibalik mga papuri ko sa'yo mahirap rin English inaabot nga ako 2-3 hours minsan, tinatranslate ko pa sa isip ko haha. Di kagaya kapag Tagalog dirediretso walang hinto haha. Kaya ang dami kong typo mayroon din maling grammar pero bilang lang haha. Wag ka mahihiyang okrayin mga sinusulat ko mas ok nga para alam ko mali ko, o kung sobrang exag mga metapora na ginagamit ko hehe.

Hahhahahah. Natawa ako sa ini-echos!
Pero seryoso, boss. Walang halong bola. Kasi napahanga na nga ako roon sa unang isinulat mo na tagalog e. Magaling kasi ang pagkakasalaysay mo at napakapormal. Kadalasan kasi kapag hindi sanay sa pagsusulat ng tagalog, ramdam ko 'yung hirap nila sa pagbubuo ng mga salita habang binabasa ko. Kaya namangha ako noong nalaman kong first ever written in tagalog mo 'yon. Ang galing lang!
Hindi ko ibinabalik sa 'yo ang puri, boss. Sadyang may potensyal ka talaga sa pagsusulat ng tagalog kay i-push mo lang 'yan. Supporter mo ako. :)

Alam ko talagang kinalawang na'ko college pa ako nang huling magsulat, ngayon na lang ulit dahil sa steemit. Kinalawang na talaga ako sobra. Naks naman huwag mo palakihin ulo ko pumapalakpak na nga tainga ko haha. Ayan tuloy sabik na sabik na ako magsulat, ulat muna sa steemitdora then salang ko na horror story ko. Sa totoo lang nahihiya ako sa mga magulang ko haha kasi pinagaral ako college hindi pumapasok ngayon pa ako nahiya e no? Haha di bali bibigyan ko hustisya mga ginastos nila sa'kin dito nga lang sa steemit, sana nga maging mainstream tayo pag dating ng panahon hehe. Naprepresure na ako ngayon pa lang kasi sobrang galing mo susubukan ko pantayan ang kainaman mo sa pagsusulat xx.

Buti na lang pala at may Steemit dahil nakakapagsulit ka na ulit. Ayos lang 'yan, boss. Kahit mag-tumbling pa 'yang mga tainga mo. Heehehehe. Ayos 'yan, boss! Ang dami mo nang isusulat tapos puro tagalog pa. Natutuwa talaga ako sa pagkabuhay ng dugo mong magsulat ng tagalog. :D
At saka tungkol sa pagbubulakbol noong college, relate ako d'yan. Hehehehe. At tama nga! Makakabawi tayo dahil sa Steemit. Tiwala at go lang nang go! :)

Hello twotripleow!

Congratulations! This post has been randomly Resteemed! For a chance to get more of your content resteemed join the Steem Engine Team

Thank you kindly boss.

Sumali ka kaya hehe kapag may oras ka ibig kong sabihin hehe

Nag chat nga si Queen Levi, eh nasa biyahe ako. Next time sasali ako.

Asa ka nag-adto? Ay ayeeee idolestEST. Sige special guest kita sa Sunday.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow [DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 103208.45
ETH 3292.46
SBD 6.25