Likhang Filipino sa Steemit: Ikalawang Edisyon

template likhang Filipino.jpg

Ang pagsulat sa Filipino ay sadyang nakakaaliw na basahin sa gitna ng Steemit na ang karaniwang ginagamit ng karamihan ay Ingles dahil narito ang iba't ibang lahi mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kaya naman ang aming pagbibigay pansin sa kanilang isinulat sa Filipino na inilimbag sa Steemit ay isang pagbibigay namin ng pagpapahalaga sa bawat akda nila. Kami ay lubos na nasisiyahan sa dumaraming bilang na gumagawa ng kanilang mga akda sa Filipino tulad ng Sanaysay, Kwento, Tula at iba pa. Kung kaya't tuwing sasapit ang Linggo kami ay mamimili ng 3 akda sa kanilang mga inilimbag sa Steemit. At isa na rin itong tawag para sa mga manunulat na nais na magsulat sa wikang Filipino na sila ay maaaring gumawa ng blog gamit ang wika natin.
Naririto po ang aming napili sa Linggong ito mula sa ika-30 ng Abril hanggang sa alas dose ng tanghali ng ika-6 ngayong Mayo.

Pamagat: Tagalog Sanaysanay: Sang ayon ka ba sa pag gamit ng Baybayin bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat sa ating bansa?
Link: https://steemit.com/tagalogsanaysay/@beyonddisability/tagalogsanaysay-sang-ayon-ka-ba-sa-pag-gamit-ng-baybayin-bilang-pangunahing-pamamaraan-ng-pagsulat-sa-ating-bansa
May Akda: @beyonddisability
Ito ay tungkol sa ating pagsulat mula sa Baybayin noong panahon na hindi pa tayo nasasakop ng Kastila. At pinag-aaralan ito ngayon kung dapat nga ba na ito ay muling ibalik sa kasalukuyang panahon. Interesante itong basahin dahil mayroon tayong kapupulutang aral mula rito kay @beyonddisability.

Pamagat: Muntik ng maging tayo
Link: https://steemit.com/literaturang-filipino/@rodylina/muntik-ng-maging-tayo
May Akda: @rodylina
Ito ay tungkol sa dating nag-iibigan noon at ngayon ay magkapatid pala. Ayos na ayos ang kwentong ito ni @rodylina para sa mga mahihilig sa Romantikong babasahin may twist nga lang!

Pamagat: Ang Aking Pangarap: Aking Prinsesa
Link: https://steemit.com/philippines/@riderblack/ang-aking-pangarap-aking-prinsesa
May Akda: @riderblack
Ito namang isinulat ni @riderblack ay patungkol sa kaniyang anak na babae na kaniya pa lang pangarap na magkaroon nito dahil karaniwang ang pangarap ng karamihan ay pagkakaron ng anak na lalaki, may ganito pa lang Ama na babae ang nais na maging Anak...

Ang pag-gamit ng wikang Filipino sa pagsusulat ay isang magandang gawain dahil dito makikita ang pagmamahal mo sa iyong sariling wika. Ngunit ang pag-gamit ng Ingles ay talaga namang hindi pangkaraniwang wika, dahil ang Ingles ang nag-uugnay sa iba't ibang taong maaari mong makilala mula sa iba't ibang bansa. Muli, kami po ay nagagalak sa 3 may akda na aming napili ganun din naman po sa lahat ng may akda na isinulat sa Filipino. Hanggang sa muli pong edisyon ng Likhang Filipino! Maraming salamat po!


Sort:  

Maraming salamat @steemph.antipolo sa pagtampok sa isa kong akda 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.24
JST 0.032
BTC 91343.59
ETH 2296.33
SBD 0.88