Literaturang Filipino: Ang Puting Bag

Tanghaling tapat noon. Masikat ang araw. Subalit siya naglalakad sa initan patungo sa wala naman. Pasipa-sipa pa sya sa daan. Hanggang ang paa niya ay dalhin siya sa isang pamilyar na lugar, ang simbahan.
Pumasok siya at tumabi sa isang matandang babae na mataimtim na nagrorosaryo. Lumuhod siya, pumikit at nagdasal ng ganito:

"Diyos ko tulungan po ninyo kami ng nanay at ate ko na makahanap ng pampa-opera sa tatay ko. Emerdyensi lang po at kailangang-kailangan sa lalong madaling panahon", at pumatak ang luha sa kanyang mga mata

Sa katagalan ay dumilat na rin siya at naupo. Napansin niya ang puting bag sa dulo ng upuan at napansin niyang ito ang puting bag ng matandang babae kanina. Natukso siyang buksan. Laking gulat niya dahil ang dami nitong laman: alahas, wallet, cellphone at isang rosaryong gawa sa mamahaling mga bato. Sumulyap siya sa altar at matapos ay inapuhap ang matandang babae. Nang di makita ay lumabas siya at hinagilap ito.Papasok na ito ng kotse ng maabutan niya at kanyang inabot ang bag

"Naiwan nyo po", sambit niya.
"Ay! Salamat apo", gulat na wika ng matanda.
"Mauna na po ako", wika niya sabay talikod at lakad ng mabilis.
"Anong pangalan mo", sigaw ng ale ng makalayo-layo na ang binata.
"Hindi na mahalaga", tugon niya at tumuloy na siya.

Mainit pa rin ang araw. Naglalakad pa rin siya at pasipa-sipa pa. Nagtatalo ang kanyang kalooban.

"Bakit ko pa kasi sinoli. Wala na sana kaming problema... sana nagpapresyo ako para makabawas man lang sa kailangan namin."

Sa kabilang dako, patda pa rin ang matanda sa loob ng kotse.

"Dapat binigyan ko man lang ng kahit ano yung batang magiting na iyon".

Napagod na rin siya kakaisip kung kaya't binuksan niya ang radyo sa istasyong A.M.

"Parang-awa nyo na po. Nakikiusap po ako sa inyo. Tulungan nyo po sana kami ng asawa ko. Siya ay nasa ospital at kritikal. Siya ay nasagasaan at tinakbuhan ng nakasagasa", sabi ng ale sa radyo.
"P30,000 po ang kailangan sa operasyon kung hindi ay mawawala sya sa amin!"

Pinaandar na ng matanda ang kotse habang patuloy na nakikinig. Siya'y patungo sa lugar na siya lang ang nakakaalam.

KINABUKASAN.Puyat siya kakaisip sa puting bag. Maaga siyang bumangon dahil siya ang rerelyebo sa pagbabantay. Hanggang sa dyip nagdadasal siya para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Pagdating niya sa ospital, niyakap na agad siya ng kanyang ina pagkapasok niya sa kwarto.

"Anak wala na!", humahagulgol na wika ng kanyang ina.
Bumagsak ang kanyang balikat at napahagulgol na rin siya.
"wala na tayong problema", lumuluha nitong dugtong.
"Naoperahan na si tatay kagabi at ligtas na siya", hibik ng kanyang ate.
May matandang babae na tumulong sa amin kagabi at di na nagpakilala, usal ng kanyang ina.
Iniwan niya ang puting bag na ito na may lamang maraming pera", paliwanag ng ate.

At tumulo ang luha sa kanyang mga mata dahil ang puting bag ring iyon ang pinagtangkaan nyang nakawin kahapon.

images.jpg

pinagmulan

Sort:  

"Anak Wala na!" Akala ko naman patay na tatay nila.^^"wala na tayong problema", Ok na pala wala ng babayaran pa. Nice Twist.^^

ang ganda ng istorya. napaka galing mo talaga @beyonddisability..

Haha nabasa ko na to kagabi medyo lusaw na talaga ako kaya di na ako nakapag komento.


Gaya ng mga nabanggit, mahusay ang iyong pagkakalikha lalo na sa parteng naisip ng mga readers na patay na ang tatay. Kung hindi himala ang tema, hindi na namin malalaman na ito ang twist.


Pero ngayon masasabi ko na isa ka na din sa mga sinusubaybayan kong awtor pagdating sa pagku kuwento. Paghusayan mo pa ang iyong ginagawa bro. Btw good luck sa patimpalak ng @steemph.cebu

Tunay na kapag mabuti ang iyong puso mas pagpapalain ka :) God bless sa iyong entry.

Walang ano man, nawa ay umabot din ang aking entry na hanggang ngayon ay di pa tapos. Muli, good luck sa iyo kaibigan.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96892.86
ETH 3460.44
SBD 1.58