Likhang Filipino sa Steemit Ikalawang Edisyon

in #likhang-filipino6 years ago (edited)

Magandang Buhay mga Kababayan!

Dahil aming napapansin na maraming mga likhang Filipino sa Steemit ang hindi nabibigyan ng karampatang eksposyur, kami sa @Steemph.antipolo ay nagkaisa na bigyan sila ng pagkakataong makilala pa sa pamamagitan ng pagtampok sa mga likhang Filipino sa akawnt na ito.

Narito ang mga akdang aming napili para itampok sa araw na ito...

Unang akda na napili mula kay @steemitdiversify

Napakasarap ng pakiramdam ng umiibig lalo na kung ito ay talaga namang totoo. Ang akdang ito Ni @steemitdiversify ay patungkol sa kaniyang lihim na iniibig. Sa tuwing ito ay magdaraan sa kaniyang harapan ang mga ngiti nito ang pumupukaw sa kaniyang puso. May isang bagay nga lamang ang aming ikinalungkot dahil sa pag-ibig niya ay hindi na kailanman masusuklian dahil ang kaniyang kaibigang matalik ang siyang inibig nito at hindi siya. Sayang! Maaaring hindi pa panahon para saiyong pag-ibig kaya naman huwag mainip.

Ikalawang akda na napili mula kay @cejero021

Ang pagkasawi sa pa-ibig ay hindi madaling tanggapin lalo na't ang iyong pagsinta sa iyong irog ay seryoso at kailanma'y hindi magmamaliw. Ang akdang ito Ni @cejero021 ay sadyang nakakalungkot, gayunpama'y handa siyang maghintay sa kaniyang sinisinta na muli itong magbalik sa kaniyang piling. Ganyan ang Filipino hindi basta basta sumusuko sa kahit na anung laban maging sa pag-ibig!

Ikatlong akda na napili mula kay @mrnightmare89

Ang akdang ito Ni @mrnightmare89 ay nagpapakita ng katatagan sa buhay upang kaniyang maabot ang kaniyang pangarap kahit na dumanas man ng napakahirap na kalagayan pipilitini niyang kayanin para sa kaniyang pamilyang kaniyang binubuhay.

Paano ba maitampok sa @likhang-filipino

Para mapabilang sa mga itatampok na post, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  1. Orihinal na akda lamang ang maaring isulat.
  2. Mangyaring gamitin lamang po ang tag na #likhang-filipino kahit hindi ito ang unang tag (dahil kami ay nasa estado pa lang ng pagtatanim, kahit anong tag ay pwede muna sa ngayon)
  3. Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  4. Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  5. Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aming pwedeng itampok. (Posts must be recent up to 4days old)
  6. Kapag naitampok na po ang isang awtor, siya ay sasailalim sa isang linggong cooldown period upang mabigyang daan ang iba pang manunulat na maitampok naman sa nasabing akawnt.
  7. Ang ating mga hunters ay mas magpopokus sa mensahe ng blog kaysa sa wastong gramatika gamit ng akda. Samakatuwid, kahit ang gramatika ay may mali, may pagkakataon pa rin po itong maitampok.

Ano pa ang hinihintay ninyo?! Tara na at magsulat sa wikang Filipino!


Sort:  

Hi @likhang-filipino, I'm @checky ! While checking the mentions made in this post I found out that @steemitdiversity doesn't exist on Steem. Maybe you made a typo ?

If you found this comment useful, consider upvoting it to help keep this bot running. You can see a list of all available commands by replying with !help.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 93746.24
ETH 3345.99
USDT 1.00
SBD 1.78