"Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya"

in #worldchallenge7 years ago (edited)


Image Source

Bago paman nakamit itong tagumpay
Ang buhay ko noo'y wala pang kulay
Mga palad wari'y sa hanging inilalagay
Isang "talonan" na salita ako'y maipapalagay

Mga kabiguan sa akin sumubok
Ako'y nadapa kalooba'y naparopok
Kahinaan ko noon sa palibot umaalok
Isang alaala na pilit kumakatok

Sa paglipas ng daluyong na sa akin palaging kumakaway
Sa itaas ako'y tumingala't humingi ng gabay
Tumayo ako katatagan sumabay
Itong pagkatao natutong magsikhay

At sa karangalan nayon ako'y lumalahok
Hawak ko na ang haligi ng pagsubok
Ngayon tila di na maabut itong tagumpay na gabundok
Ako'y naparangalan ng gintong medalya sa mundong sumusontok

Salamat sa pagbasa mga makatang pinoy.

Sort:  

Ito ay isang napakagandang tula @steembytes. Nagustuhan ko ito.

Maraming salamat kapatid .

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by steembytes being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Seriously mga baby boys, mka nose bleed jud inyo tagalog poems!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.035
BTC 93734.88
ETH 3431.34
USDT 1.00
SBD 3.49