"Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina"

Lubos ang aking pagpapasalamat kay kabayang @jassennessaj para sa kanyang patimpalak na naging daan upang makagawa ako ng isang tula na buong puso kong inaalay para sa aking ina. Kailanman ay hinding hindi matumtumbasan ng anumang salita o anumang tula kung anong pasasalamat ko sa aking minamahal na ina. Pero kahit man lang sa tulang ito na aking nagawa ay maipahayag ko sa iba kung gaano ako kaswerte sa aking ina na kailanman ay hindi sumuko sa akin. Sapagkat ang kanyang mithiin ay ang makita akong masaya at ang aming pamilya. At alam ko na darating din ang araw na masusuklian ko lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa akin. Mabuhay lahat ng mga dakilang ina!


(Larawan ng Aking Minamahal na Ina)
11118503_1420933024895615_6758915393951346731_n.jpg

Makalipas ang siyam na buwan sa kanyang sinapupunan

Ako ay kanyang iniluwal at tuluyang nasulyapan

Kasiyahan sa kanyang mukha ay hindi matutumbasan

Ngiti sa kanyang mga labi abot hanggang kalangitan


Walang humpay niya akong inaruga at inalagaan

Sapagkat kanyang pagmamahal sa akin ay ilalaan

Pangangailan ko’y kanyang parating inuuna

Hindi iniinda kahit wala ng matira para sa kanya


Mabuting asal ang sa akin ay kanyang ipinamalas

Upang ako ay hindi maligaw ng landas

Siya ang nagsilbi kong ilaw at gabay

Sa ‘king patuloy na paglalakbay sa buhay


Kailanman ay hindi siya nawala sa aking likuran

Dahil tanging hangad niya ay ang maganda kong kinabukasan

Ako’y isa sa kanyang pinakamahalagang kayamanan

At hindi niya magagawang iwanan


Buong buhay ako ay di magsasawang magbigay pugay

Para sa taong sa akin ay nagbigay buhay

Salitang salamat ay kailanman ay hindi magiging sapat

Para ako sa kanya ay magpasalamat


Ipagsisigawan at ipagmamalaki ko sa buong mundo

Ang walang pagsubli kong pagmamahal sa isang tao

Hinding-hindi kailanman ipagpapalit sa iba

Natatangi at minamahal kong ina

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 94375.91
ETH 3269.46
SBD 6.76