"Word Poetry Challenge #10 : Pangarap"

Libre naman ang mangarap, kaya't lubusin mo na
Sabi ng karamihan sa atin na pawang itodo mo na
Ang sa ganang akin naman depende sa pangarap
At sa kaparaanan kung paano mo ito mahaharap

Hindi perpekto ang mundong ating ginagalawan
At hindi lingid sa ating lahat itong katotohanan
Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi ito tanggap
Kaya naman sila'y nagpupumilit na magpanggap

Marami ang nadadala sa kanilang mga pangarap
Samut-saring paghahanda na animo'y nagpapalaganap
Ng kakaibang lakas upang matugunan ang pagtupad
Sa mga pangarap na pawang ninanais at hinahangad

May mga taong napakasimple lamang ang pangarap
Walang ibang gustong makamit kundi ang makaahon sa hirap
May mga tao naman na napakakumplikado ang pangarap
Lahat ng bagay sa mundo gustong makuha ng walang kahirap-hirap

Wala tayong magagawa dahil lahat tayo ay tao lamang
Nagkakamali, nagkakasakitan, minsan nagpapatayan
Hindi na dapat umabot sa ganoong pamantayan
Dahil sa mga pangarap na hindi na isinaalang-alang

Hindi nga ba't mas mainam mangarap ng may karamay?
May kasama sa pagkamit at pagharap sa hamon ng buhay?
Hindi nga ba't mas magaang dalhin sa iyong kalooban
Kung ang mga pangarap mo'y nagkaroon ng katuparan?

Nag-iisa ka bang nangangarap ng kapayapaan?
Huwag mag-alala dahil marami kang karamay, kaibigan
Nag-iisa ka bang nangangarap ng kasagaanan?
Huwag mag-alala dahil marami kang kasama, kaibigan

Iisa lamang ang mundong ating ginagalawan
Iisa lamang ang iniikot ng ating kalawakan
Iisa lamang ang silong nating kalangitan
Iisa lamang ang Lumikha sa ating katauhan

Kaya naman sana ay huwag na tayong mangarap
Bagay na sobrang sa atin naman ay magpapahirap
Simplehan na lamang ang ating pangarap sa buhay
Palagiang pagdasal sa Diyos na pangarap ay maisabuhay

Ako po si @shirleynpenalosa a.k.a. @sashley at ito po ang aking tula handog ko po patungkol sa "Pangarap". Maraming salamat sa iyo @jassennessaj sa patimpalak na ito. At sa lahat ng mga kapwa ko kasali, maraming salamat.

Ang mga larawan ay kuha ng aking butihing kaibigan gamit ang kanyang iPhone at ipinadala sa akin sa pamamagitan ng FB messenger.

Suportahan po natin si @surpassinggoogle at iboto siya dito https://steemit.com/~witnesses at i type ang "steemgigs" sa unang kahon.


(larawan ay mula sa post footer ni @surpassinggoogle)

Suportahan din po natin si Papa Bear a.k.a. @paradise-found sa pamamagitan ng pagboto sa "gratefulvibes" at sumali po sa curation trail


(larawan ay gawa ni @sunnylife)

Bisitahin po natin ang link na ito at sumali o suportahan natin ang mga prayer warriors ng steemit https://steemit.com/christian-trail/@wilx/christians-on-steemit-let-us-follow-and-support-each-other-pt-7-join-the-christian-trail

Maaari din po natin silang suportahan at iboto:

@yabapmatt
@teamsteem
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@beanz
@arcange
@yehey

Kailangan nila ang ating suporta.

Bisitahin po natin ang #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(likha ni @bloghound)


(likha ni @jhunbaniqued)

Sort:  

Bahala na si God kun ano man ang para talaga sa atin :D

Nagmayat agswimming ngem kasla nalammin :D

hahhaha wen garud sir ijay met lang San Juan dayta. Sali ka met sir tula :-) subok lang data hahahaha

Yun oh. pumanak pak

agkakanagsi 8 met kanyam sir bwhahahaha :-D

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 94422.23
ETH 3248.84
USDT 1.00
SBD 7.24