" Word Poetry Challenge #4 : Makalumang Harana "

in #wordchallenge6 years ago (edited)



Isang gabi nung lola ko't ako ay nag-uusap,
Mga bituin ay naglalambing sa ami't kumikislap.
Naaalala nya'y mga panahon na siya'y nakatingin sa mga ulap,
Hindi makapaniwala nung siya'y haharanahin ng lalaking kanyang pinapangarap.


Mga nangyari sa kanyang buhay ay nakakakilig,
Lalong lalo na nung nakasama nya ang taong kaparehas nya ng hilig.
Taong nag-iisa at napusuan nya sa isang napakalaking daigdig,
Wala na syang hinihiling nun kundi ang kanyang pag-ibig.


Kami'y nasa isang bintana, tenga koy nakikinig,
Sinabihan nya ako sa kanyang buhay nung paligid nyay may pag ibig.
Lalong-lalo na nung siya ay hinarana ng kanyang iniibig,
Pisngi nya noo'y namumula na para bang binuhusan ng mainit na tubig.


Pero bago siya hinarana,
Mga pagsubok daw ay naransan ng minamahal niya.
Napakahirap talaga ng sitwasyon ng mga lalake bago sila ay makaharana,
Lalong lalo na kung may mga utos ang aking ina't ama.


Mga lalake noo'y umiigib ng tubig,
Nangangahoy sa gubat na madilim at mapanganib.
Impormasyon ng lalaki'y dapat malama't dinidilig,
Ginagawa ang lahat upang magulang ay mapabilib.


Nung lola koy tapos na maglahad ng kanyang kwento,
Akoy may sinasabi sa sarili't lola ko,
"Lola parang henerasyon nami'y nahuli't natalo,
Pagdating sa pag-iibigan at paghaharana ng isang tao".


Henerasyon ngayon harana'y parang wala,
Isang text lang at minamahal nila'y mapapasakanila.
Lumang harana'y napakaganda,
Makikita mo talaga kung gaano sila ka pusigido't handa.


Lumang harana sana'y maranasan natin,
Kasi makikita mo talaga kung siya ay para sa atin,
At kung siya ay nandyaan kahit mundo'y pagbabaliktarin.
Pag may katapangan at lakas, siya ang karapa't dapat na mahalin.


Sana maibabalik ng mga tao ang kulturang pagka pilipino,
Ang pag galang sa mga magulang at babaeng minamahal mo.
Ang lumang harana na dapat tradisyon ng mga tao,
Dapat gawin at iparamdam ng henerasyon ito.


SALAMAT MGA KAPWA STEEMIANS!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.037
BTC 94596.96
ETH 3445.89
USDT 1.00
SBD 3.91