" Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya "


P.S (Meron po akong mga medal pero ewan ko kung asan na kaya ang ginawa ko ay gumawa ako ng isang visual representation para sa aking ginawang tula... Sorry kaninang umaga ko pa lang ginawa ang drawing)

"Gintong Medalya"

Katha ni: Omar G. Navarra


Ako'y nakatira sa isang barangay,
Ina koy kumakayod na minsa'y nawawalan na ng malay.
Napakahirap talaga ng aming buhay,
Mundo nami'y parang kinunan na ng kulay.


Ako'y nag aaaral sa isang pampublikong eslwelahan,
Pero hindi ito nakakaapekto at hindi ito kawalan.
Isinasapuso't isip ko ang aking pinag aaralan,
Dahil ito lang ang tama at saktong paraan.


Paraan upang kami'y mabubuhay,
Mabubuhay sa mga oras pag kami ay muntik ng mamamatay,
mga oras na kami ay pagod at matamlay,
At mga oras na parang tiyan nami'y kinutkot na ng mga uod at anay.


Isang araw ng may inanunsyo ang paaralan,
Kung sino daw ang gustong sasali sa isang kaganapan.
Kaganapang maaaring mag uwi ng pera,
Sertipiko at tumataginting na gintong medalya.


Hindi nag dalawang isip na sumali,
Tindig ko'y sigurado na't hindi na nagbabasakali .
Pursigidong nag-aaral gabi gabi,
Makuha lang ang mabuting minimithi.


Sa sumunod na linggo,
Kaganapa'y dinagsa na ng mga tao.
Paligsahay mamimili na ng panalo,
Kami'y nag aagawan na ng trono.


Ako'y nanalangin kay bathala,
Na hindi ako mawalan ng pag asa.
Gintong medalya ang nasa isip ko ito'y aking nilathala,
Gagawin ang lahat sa abot ng aking kaalaman at makakaya.


Pagbalik sa eskwelahan,
Mga nanalo'y idinikit na sa talaan.
Pangalan koy nakita ko,
Natuwa't umiiyak dahil ako ang nanalo.


Umuwi ng bahay,
Kasama ang perang nasa kamay.
Iniabot ko ang pera kay nanay,
"Sa aking minamahal na ina, mapalad ko itong ibinibigay".


Tinanong ni inay saan galing ang pera,
Ipinakita ko ang aking gintong medalya,
"Sa isang patimpalak akoy pinagpala,
Sinagot ang panalangin ko ni bathala".


Sabi ni inay,
"Sa leeg mo nga ilagay".
Sinuot ko ito gamit ang aking mga kamay,
Napangiting sabi ni inay "Ang gintong medalya sa iyo ay bagay na bagay".


Ngunit kinuha ko ito,
At isinuot ko sa nanay ko,
"Eh inay mas bagay panga yan sa inyo,
Sayo kaya ako nagmana kaya ako nanalo".


Gintong medalya ang nagpapalakas sa akin,
Kahit ngayon ay naaalala ko parin,
Ang oras na iyon na nakita ko ang ngiti ni nanay na tumataginting,
Kasama ang pagmamahal niyang sumasabay simoy ng hangin.


Heto kami ngayon,
Maligayang nakikipagkwentuhan sa nayon.
Tiyan nami'y busog na busog na para bang tumatalon,
Ang mga uod at anay na nang aapi sa tiyan namin noon.


Gintong medalya ang nagpapakita,
Na ang isang tao ay kahanga-hanga.
Taong matalino at tumutulong ng kapwa,
Taong nagpupursigi sa hirap man o ginhawa.


SALAMAT MGA KAPWA PINOY STEEMIANS LALONG LALO NA SI KUYA @jassennessaj SA PAGGAWA NG MAPANGHAMONG PATIMPALAK

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95957.12
ETH 3307.71
USDT 1.00
SBD 3.34