"Word Poetry Challenge #12 : Kalayaan"

in #wordchallenge6 years ago

Magandang araw mga kabayan!

Ngayon araw na ito ay napagdesisyunan kong sumali sa isang patimpalak na ginawa ni @jassennessaj.
Ito ay ang paglikha ng isang tula na may temang "Kalayaan".


Sa totoo lang ay ngayon lamang ako lilikha ng isang tula na isusumite sa isang patimpalak. Maikli lamang ito, ngunit sana ay magustuhan ninyo.

KALAYAAN

032615_How-to-Let-Go-of-Someone-You-Love_Vogel.jpg
Image Source

Malaya ako
Malaya akong ibigin ka
Malaya akong pagmasdan ang mga ngiti sa'yong labi
Malaya akong tanawin ang mga mata mong nakangiti

Ngunit malaya ka din
Malayang halikan ang lalaking iyong mahal
Malayang titigan ang mga mata nyang sayo lang nakatanaw
Malayang yakapin ang mga bisig nyang sayo'y nakagabay
Malayang saktan ang puso kong nagmamahal

Malaya ka na
Kalayaan mo ang ibigin sya

MARAMING SALAMAT PO!

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53778.84
ETH 2224.93
USDT 1.00
SBD 2.30