Word Poetry Challenge #21: Kalawakan
"Kalawakan"
Isang malawak na salita
Kasing lawak ng dagat at lupa
Tanaw man ang dulo nito'y nagkalapat na
Ang lawak na hawak nila'y nakakalula
Sadya nga naman tayo'y pinagpala
Pinagkalooban nang mundo'ng salat sa alaga
Kaya salamat sa Poong may likha
Sa ganda ng Kalawakan niyang handa
Kahit saan man'g angulo titingnan
Mapa lupa man o karagatan
Mapa bundok man o kapatagan
Sadyang kay ganda ng buong sandaigdigan
Hindi lang sa araw ganda'y masisilayan
Ito'y may angkin'g ganda rin sa kadiliman
Mapabuntong hininga kaman pag ito'y nasaksihan
Ang ganda sa alapaap pag ito'y mapagmasdan
Di maikubli ang natatangi'ng hiyas
Buwan at bituin sa gabi'y para bang naglalayas
Liwanag na dala tagos at lumalagpas
Bawat ningning animo'y isang perlas
Oh! Kalawakan kay gandang pagyamanin
Bigay ng maykapal dapat tangkilikin
Hindi man ito habang buhay mapasa atin
Pero salamat Poon at minsan aming nakapiling
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!