Word Poetry Challenge #13 : " Pilipinas"
Ang Bansa na aking nasilayan at kinalakihan
Na sa dating panahon ito'y pinag-aagawan
Dahil sa angki'ng likas na yaman
Na kailan ma'y natatanging sa kanya lamang
Nahahati man ito sa malalaking pulo
Luzon, Visayas at Mindanao ang pangalan nito
Pero ito'y pinaglaban ng buong-buo
Mula Batanes hanggang Julo
Kung Yaman lang ng bansa ang pag-uusapan
Tiyak pilipinas ang may malaking laban
Dala-dala bawat sulok ng ganda sa yaman
Kahit di man ito ipagsisigawan
Kahit saan mang dako ito titingnan
Mula sa maliit o sa malaking pulo man
May kanya-kanyang angking ganda't yaman
Kahit sa panahon ito'y mapag-iwanan man
Pilipinas, naging maliit man sa mapa kung tingnan
Naging kapuloan ay biyak-biyak man
Pero hindi ito naging hadlang kailanman
Sa mga pusong pinoy na magka intindihan
Isa sa malaking yaman ng pilipinas, tayong mga pilipino
Kahit samo't sari'ng lingwahe, paninindigan mayroon tayo
May kanya-kanyang paniniwala't salita man tayong binuo
Isa lang ang tanging alam ko, tayo ay konektado