word poetry entry "tagpuan"
Abandunadong gusali ang palagiang saksi,
Sa mga kapos palad na mga batang dito nagkukubli.
Kanila'y tangan plastik na may solvent o kaya'y rugby,
Awa ang aking nadama pag sila'y aking nakikita.
Dito sa tagpuan na parang ari nila,
ang iba'y tulala ang iba nama'y tumatawa.
Bakit nagkaganito ang mga batang ito.
Di ba nila alam ang masamang epekto nito.
Sila pa naman ang pag-asa ng bayan kung turingan,
Bakit mga magulang sila'y di ginabayan
Di sana'y hindi sila naging salot sa lipunan.
Hanggang sa isang araw shabu na ang kanilang natutunan,
At dito sa Tagpuan nagaganap ang kalakaran.
Hanggang sa dumating ang oras na kinatatakutan,
Mga alagad ng batas tagpua'y natiktikan.
Habang tuloy pa rin ang ilegal na droga,
Di nila alam mga alagad ng batas nasa paligid na pala.
Sila'y nanlaban ngunit di umubra bumagsak at patay ang idineklara.
Yan ang inulat ng mga nag-imbestiga.
#kakayneo
author
wow, ang ganda ng pagkakasabi...