Word Poetry Challenge #7 : Simbahan

in #wordchallenge7 years ago (edited)

S I M B A H A N



2018-06-14 09.01.05 1.jpg
Orihinal na komposisyon ni @joco0820

'Til Death Do As Part, sumpaang panghabangbuhay kang mamahalin
Sumpaan natin sa isa't isa na tanging ikaw at ako lang ang iibigin
Sa altar ng simbahang ito naalala ko ang sumpang binitawan natin
Magtutulungan, magdadamayan sa buhay na ating tatahakin

Napakasaya namang balikan ang pag iisang dibdib nating dalawa
Ikaw at Ako sa tagpuan ni Bathala nangangakong magiging isa
Yun bang akoy naghihintay sa may altar kasama ang aking tropa
Habang ikaw ay naglalakad papunta sa akin kasama ang iyong ama

Akoy naka titig sayo habang nakangiting suot ang puting bestida
Napamangha at natulala na namang muli sa iyong angking ganda
Kumakabog ang dibdib habang utak ay sumisigaw andiyan na siya
Salamat sa simbahang ito at naging saksi noong naging akin ka

Ngunit akoy napaluha habang nakaraan natin ay aking ginugunita
Inaalalang muli sa simbahang ito ang ating sumpaang ginawa
Nakatayo sa harapan ng parisukat na kahon kung saan ka nakahiga
Umiiyak, sumisigaw at humihingi ng tawad at wala akong nagawa

Dito sa Simbahan kung saan tayo ay pinag isa ng ating tadhana
Sa altar kung saan tayoy naging asawa dito ka rin pala mawawala
Ako ay nakatayo at habang sa kabaong na marmol ika'y nakatihaya
Sumpaan natin dito naba magtatapos at mawawalan ng bisa

Hindi, pangakong ating binitawan ay dapat nating panindigan
Na kahit sa kabilang mundo, Ikaw at ako ang magmamahalan
Kahit sa piling ng Diyos tayoy magkikitang muli at wala ng iwanan
Katulad ng mga sumpang ating binitawan sa lumang Simbahan


Ang tulang ito ay tungkol sa Simbahan. Ito ang lugar kung saan nagpapalit ng matatamis ng mga salitang pangako ang bawat kasintahan sa tuwing silay kinakasal. Ito rin naman ang sagradong lugar kung saan dinadaan mo na ang mga burol ng patay pagdadausan ng misa bago ito ilibing. Sa tula may isang lalaking na namatay ang kanyang asawa at noong pumunta sila sa simbahan bago ilibing ang kanyang asawa ay doon din ang simbahan kung saan sila ikinasal kaya naaalala niya ang masayang araw nung nagpapalitan sila ng mga pangako sa isa't isat, ngunit napalitan ng lungkot dahil dito din ang huling simbahan na makakasama niya ang kanyang asawa. Ngunit sa bandang huli ay nangangako siya na kahit malayo na sila sa isa't isa ay handa nya paring tuparin ang mga pangakong kanyang binitawan sa simbahan ng silay ikinasal.

Sana po na gustohan niyo ang tulang ito. Ito po ang aking ilalahok sa paligsahan ng pagsulat ng tula na may temang Simbahan. Pinangungunahan ni Ginoong @jassennessaj. Maraming Salamat po

UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW

Sort:  

tama.. simbahan ay lugar kung saan makikita ang tunay na kaligayahan at hinagpis..

ou nga eh. kaya itoy tinaguriang banal :)

Sana ay magaling din akong tumula katulad nitong iyong gawa :D
Ang galing nyo naman sir @joco0820 :D

maraming salamat sa iyong paghanga
alam kong ikaw rin ay makakagawa

balang-araw :D :D :D

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 102805.56
ETH 3289.69
SBD 6.31