"Word Poetry Challenge #4". Tema : "Makalumang Harana" | Tagalog Edition

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag pang-apat na edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikaapat na edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Makalumang Harana"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Makalumang Harana"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Makalumang Harana". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #4 : Makalumang Harana"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong May 29, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa May 29, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay si : @chameh


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Sort:  

Magandang araw sa inyo. Nandito sa ibaba ang aking akda para sa patimpalak na ito.

https://steemit.com/wordchallenge/@vinzie1/word-poetry-challenge-4-makalumang-harana

Tulang orihinal na aking akda para ilahok sa patimpalak ni @jassennessaj.

https://steemit.com/wordchallenge/@juichi/word-poetry-challenge-4-makalumang-harana

Salamat,

Mapagpalang araw po sa inyo mga kabayan ko. Narito po ang aking lahok at akda sa patimpalak na ito..at sana magustuhan nyo.😊
https://steemit.com/wordchallenge/@blessedsteemer/word-poetry-challenge-4-tema-makalumang-harana-or-tagalog-edition-my-entry

Kabayang @jassennessaj ito po ang aking entry sa pang-apat na patimpalak ng word poetry challenge.
https://steemit.com/wordchallenge/@jumargachomiano/word-poetry-challenge-4-makalumang-harana

Damang dama talaga bawat emosyon sa bawat linya ng iyong tula. Commend!

salamat po 😊 Sana ay magustuhan rin ng ating hurado.

Sigurado yan :)

Ui may bagong contest na naman! Good luck po sa hurado sa patimpalak.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58584.45
ETH 2302.31
USDT 1.00
SBD 2.48