Word Poetry Challenge #18 : "Tamang Panahon" | Tagalog Edition | Win STEEMs! (Prizes increased 2x!)

Mas magiging kapana-kapanabik ang edisyong ito dahil may nakuha tayong bagong tagasuporta sa #wordchallenge! Malaking pasasalamat natin kay @donkeypong na patuloy na sumusuporta sa naturang paligsahan. At hindi lang yan, nakakuha din tayo ng suporta mula sa @curie kung kayat mas magiging malaki ang ating papremyo! Pinalakihan natin ang premyo :). Nasa ibaba ang lahat ng detalye ng paligsahan. Mag-ingay kabayan! :)

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikalabing-walong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Tamang Panahon"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada linggo para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong nais makilahok.

Panibagong Tuntunin :

Dapat gamitin ang salitang "Tamang Panahon" sa iyong nagawang tula.

Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga Steemians na manalo sa naturang paligsahan, ang mga nanalo bilang Champion at 1st runner-up sa Word Poetry Challenge #14 ay pwedeng magsumite ng kanilang entries (na bibigyan ng upvotes), ngunit bilang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang Steemians na manalo, ay hindi pwedeng hirangin sa paligsahan ngayon.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Tamang Panahon"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para sa patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Tamang Panahon". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #18 : Tamang Panahon"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makilahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - 10 STEEMs!

1st runner-up - 5 STEEMs!

2nd runner-up - 3 STEEMs!

2 Honorable Mentions : 1 Steem Each

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong October 19, 2018 at 11:59 p.m. (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa October 20, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay ako : @jassennessaj


Maraming Salamat sa mga Sponsors ng Paligsahang ito :

@donkeypong | @curie

Donkeypong and curie.jpg

Kailangan ko ang inyong Suporta para sa Pagpapatuloy ng Patimpalak na ito :

  • Kung nais ninyong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala). Sana i-upvote ninyo ang post na ito.
  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Sort:  

lupit nito boss,laki ng prize.. congrats sayo, sa susunod nalang ako sasali.hehe
upvoted at resteemed

Posted using Partiko Android

Ito ang aking entry. Lubos akong nagpapasalamat sa patimpalak na ito.
Bawat linya ay may puwang sa aking puso't isapan. Basahin at mapag-alaman
https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/word-poetry-challenge-18-tamang-panahon

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 102874.64
ETH 3294.40
SBD 6.38