Word Poetry Challenge #21: Kalawakan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

image


KALAWAKAN


Sa mga problema’y hindi ka makakalayo
Bahagi na ‘yan sa buhay ng isang tao
Kanya-kanyang diskarte sa paglutas nito
Kahit gaano pa kagaling ang diskarte mo


Ano man ang estado mo sa lipunan
Pagsubok sa buhay iyo ring mararanasan
Wala tayong kaibahan kung uri ang batayan
Iisa lang ang may likha sa’tin dito sa sanlibutan


Kaya laban lang kahit ika’y nahihirapan
May Dios tayong gabay at masasandalan
May mga taong ang saya maging kaibigan
Datapwat, mayroon ding ang kay hirap pakisamahan


Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na kalooban
Mga hamon sa buhay ay siguradong mapagtagumpayan
Samo’t saring nilalang ang kailangan pakibagayan
Upang mamumuhay ng payapa at makaiwas sa kaguluhan


Ngunit kung lungkot ay di na kayang labanan
Tingin ka lang sa kalawakan at iyong masisilayan
Perpektong likha na kapaligiran at kalikasan
Na magdudulot ng gaan sa pakiramdam at lubos na kaligayahan


Habang sa gabi naman ay iyo ring mapagmamasdan
Ang buwan at mga bituin na nagniningning sa kalangitan
Na nagbibigay liwanag sa gabi’t kalawakan
Batid ang pagmamahal galing sa Taas na di kayang tumbasan


Lahat ng nilikha ay may makabuluhang dahilan
Pananampalataya sa Taas ay mas lalong tibayan
Upang makamit ang mithiing inaasam-asam
Sa sarili’t sa buong pamilya’y magbibigay kasiyahan


Bumuo ng magandang kasalukuyan
Mahalagang parte ‘yan sa iyong kinabukasan
Hamon sa buhay, sukat sa sariling katatagan
Dalisay na kaligayan, kung ito’y mapagtagumpayan


Sa pag-ikot ng mundo ay di mo namamalayan
Mga mithiing binuo ay isa-isang maisasakatuparan
Tugatog ng tagumpay ay iyong makakamtan
Dahil sa tiwala, deteminasyon at pananampalatayang walang katapusan.


Ako’y lubos na nagpapasalamat kay Ginoong @jassennessaj sa Kanyang patuloy na paggawa ng mga patimpalak na tulad nito.

At sa lahat ng walang-sawang suporta ninyo sa aking mga akda, maraming salamat po sa inyong lahat!

image

Sort:  

Hi @chameh. Congratulations!

You've been featured by @steemph.cebu on our Daily Feature of Authors #29. You've chosen as the top best blogs of this day. With that, you've enjoyed the benefits for being featured.

Continue to post more quality content having #cebu & #philippines as part of your tags.

Congratulations @chameh! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You received more than 6000 upvotes. Your next target is to reach 7000 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

Meet the Steemians Contest - The results, the winners and the prizes
Meet the Steemians Contest - Special attendees revealed
Meet the Steemians Contest - Intermediate results

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57666.58
ETH 3076.03
USDT 1.00
SBD 2.28