"Word Poetry Challenge #9 : Maskara"

in #wordchallenge7 years ago

"Word Poetry Challenge #9 : Maskara"

Nawa'y inyong magustuhan itong aking handog sa patimpalak na lubos na ginawa ni @jassennessaj, Ang inyong pagbasa sa aking tula ay nagbibigay sa akin ng kagalakan na magsumikap na nagbibigay sa akin ng inspirasyong gamawa at makilahok sa mga patimpalak na kagaya nito. Ito po ay orihinal kung gawa. Sana'y naating ko ang inyong mga emosyon. ina-anyayahan ko ang lahat ng Pilipinong manunulat na makilahok hindi lamang sa may gantimpala, marahil tayo ay nagmamahal sa ating wika at tayo ay pilipino.

imgsrc

Pag-aakala koy masaya ka
Sa tamis ng ngiti mong nakakahawa
Para bang walang naitatagong problema
Ganyan ka ba talaga?
Minsan ikaw pa'y pumupayo
Na di dapat imiyak, dapat na tumayo
Di ko makita ang lungkot sa iyong mga mata
Ngunit pag ika'y nag-iisa
Ani moy paru-parung gala
Sa sobrang lawak ng inisip ika'y tulala
Ang bawat pagtawa mo ba'y di ka natutuwa?
Ano kaya ang iyong nakaraan
Di ko naman gustong makialam
Ngunit di ko naman kayang
Ikay talikuran at iwanan na ganyan
Sa pagtitigan ng ating mga mata
Alam kung may pinapasan ka
Di mo lang ipinapakita
Ayaw mo kasing maka-abala
Halikat maskara mo'y itapon na
Nang maipahayag mo ang iyong nadarama
Ito ba'y takot aking sinta
O kaya'y mga pagkabigo, nawalan ng pag-asa
Huwag mong ikahiya at sa akin ay isalita
Ako'y handang tumulong kahit bigla-bigla
Alam kung ika'y may pasa
Sa puso mong mapang linlang at nabasa
Sa takot na ika'y iiwanan ng iyong sumbongan
Ako'y di ganyan
Huwag mong ipagkaloob sa sarili mo yan
Halika't ating saluhan ang iyong hapunan
Kahit mabangit at mapait man
Ang iyong hinanakit ay tuluyan ring lilisan
Darating ang araw na iyong makakalimutan
Ngunit huwag talikuran
Ang mga aral na iyong natutunan


@brapollo29

Sort:  

Congratulations @brapollo29! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Round of 16 - Day 4


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Ang ganda naman ng mensahe ng iyong tula kabayan! Sana ganyan lahat ang tao, na kapag may problema ang isa, dadamayan. Hindi iniiwanan. Nawa’y manalo! 🙂

Maraming salamat Kabayan :) Oh kay tamis ng mga salitang namumukadkad habang binabasa ko , Nawa'y ikaw rin ay maihayag ang iyong mga nararamdaman sa pagawa ng tula

Coin Marketplace

STEEM 0.14
TRX 0.23
JST 0.031
BTC 83278.04
ETH 2055.98
USDT 1.00
SBD 0.63