Binat Sa Mata. Totoo pala mga Mommy.
Siguro nagtataka yung iba kung anu nga ba ang binat? Well, alam ko yung iba dito naiintindihan ako at nakakarelate sa pinagdadaanan ko. Guys, first time mom po ako. 26 years old. I got pregnat when i was 24. I gave birth at 25. Since first mom ako marami akong hindi pa alam. Isa na ang binat. Actually naririnig ko yung binat sa mga nanay na matatanda na. At ang alam ko kasi sa binat is lagnat. Oo meron daw nun. At maraming klase ng binat. Sa sitwasyon ko ngayon guys, ang binat ko daw is sa mata. Nagtataka siguro kayo, well ako din. Ganito kasi yun guys third times ko na syang naeexperience. And sobrang nag alala ako last time. Last week lang sya. Unang beses kong experience guys sobrang liwanag ng nakikita ko. Sa sobrang liwanag halos hindi na ako makakita. Kahit ipikit ko nasisilaw pa din ako. Ipinikit ko lang sya mga 30 minutes. And then nawala. Same as the second time of my experience. Pero nitong huli, last week, nag alala na ko. Kasi wala akong makita as in puro liwanag lang. And kusang lumuluha yung mata ko.Silaw na silaw yung mata ko. Kahit ipikit ko. 15 minutes, 30 minutes walang epekto. Ganun pa din. Talagang wala akong makita. Na halos feeling ko nagsasalubong na yata yung mata ko. Ipinikit ko sya hanggang sa makaidlip ako then naalimpungatan ako. I see everything but may whole face was manhid. Kinabahan na ako that time i don't know what to do lalo't dalawa lang kami ng isang taon kong anak sa bahay. At alas dos yun ng madaling araw. Nagdasal na lang ako that time. Na wala sanang mangyari sakin kasi kawawa naman ang anak ko that time. Answered prayer. Kinabukasan nagpunta na ko ng EENT (Ear, eyes, nose, tounge). The findings is ayun nga. Nabinat na yung mata ko. Kacecellphone, kabababad sa mga gadgets and tv and then sabay ligo.
Kaya guys, especially first time mom out there, please please take care of yourself do not abuse. As optalmologist advise kelangan ko mag limit sa cellphone and need to activate eye protection of my phone. Limits on watching tv. Dimmer light as much as possible. Kasi iritado yung mata ko sa maliliwanag. As i go outside i need to use sunglasses to avoid to much brightness of my sorroundings. Mahirap pero i need to sacrifice. Mabuti na nga lang daw at ganito inabot ko. At hindi ako naging krung-krung. Haha. But others told me to get pregnat again. Pero kelangan ko pa din mag ingat kasi kapag hindi ko sinunod ang advise nila pwede ko daw ikabulag. Ayokong mabulag kasi gusto ko pa masubaybayan ang paglaki ng anak ko.
Masasabi kong isa sa pinakamabigat at pinakamahirap na pasanin to para sa isang ina. Kaya payo ko lang po sa inyo mag iingat po kayo. Lalo na sa magiging ina pa lang. Para sakin mas ok nang lumabo ang mata ko kesa mabulag ako.
At para sakin "steemit is life" kelangan ko mag laylo muna. Don'worry guys. Everyday pa din akong magrorounds pero "limit is real". I hope you understand guys. Health is wealth. At kelangan pa ko ng anak ko.
To all momshies, soon to be momshies out there ingat po tayong lahat sa mga pwedeng mangyari satin.
Kelangan ko din po ng advise from other mommies here baka po may maipapayo kayo dyan what to do?
Kasi after ko lang manganak nararanasan lahat ng 'to. I'm a 20'20 vision by the way.
Thanks po.
amazing photo
Thanks. :)