Likhang Storya: Ang Prinsesa ( Kabanata 5 Liham)
image source
Aking prinsesa,
saglit mong oras ay kukunin ko,
h'wag mabagot sa sasabihin ko,
tungkol sayo ang sulat na ito
ang mata ko'y agad na namangha
aaminin ko puso'y nabigla
buhay ko ay nabigyan ng sigla
nasaktan sa unang minahal ko
ang pag ibig ko noo'y nabigo
sarado kong puso'y binuksan mo
pilit ko mang itago'y pasaway
ang aking puso ay nagpupugay
buhay ko'y binigyan mo ng kulay
parang isang malalim na ilog
nakakatakot na pag nahulog
baka aking puso ay malunod
para bang ako'y kinikiliti
gustong humalik sa mga labi
ngunit sarili ay tinitimpi
aking puso'y hindi malabanan
kaya oras ko ay inilaan
nasulat ito ng mabilisan
galing saking puso at totoo
hindi mapapagod aking puso
makamit lang matamis mong "oo"
kahit ito pa ay ikamatay
ano pa ang silbi ng aking buhay?
kung sa piling mo ay mawawalay
nang may mga ngiti saking mata
sabik na ito'y iyong mabasa
aking pagtingin ay alam mo na.
Matapos basahin ni Prinsesa Emma ang liham na bigay ng Prinsipe sa kanya ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama sa mga oras na iyon. May halong tuwa at takot ang nananalaytay sa kanyang puso. Hindi niya akalaing merong pagtingin si Prinsipe Andrew sa kanya dahil ang akala niya ay kaibigan lang ang turing ni Prinsipe Andrew sa kanya. Dahil maski ang Prinsesa ay unti unti naring humahanga kay Prinsipe Andrew dahil sa lagi itong nasa kanyang isip. Nakikita niya kung gaano ka responsible ang Prinsipe at kung gano ang Prinsipe makitungo sa mga taong nakakasalamuha niya. Dahil sa alam na ni Prinsesa Emma na may pag tingin si Prinsipe Andrew sa kanya ay hindi siya makatulog nang maayos dahil alam niyang bukas ay makikita niya panigurado si Prinsipe Andrew at hindi pa niya alam ang kanyang isasagot sa Prinsipe pag sila ay nagkita at nagkapag usap.
Madaling araw na nakatulog si Prinsesa Emma kaya alas onse na siya ng tanghali nagising. Kaya nang makita niya ang oras ay agad na siyang bumangon at inayos ang kanyang higaan. Hindi kadalasang ginagawa ng Prinsesa na ayusin ang kanyang higaan ngunit ng mga araw na iyon ay nagbago ang ihip ng hangin. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang higaan ay bumamaba na siya upang bumati sa kanila Aling Josepina at sa iba pa nilang mga kasama sa bahay. Napansin ni Aling Josepina na napasarap ang tulog ni Prinsesa Emma dahil nga tanghali na ito bumaba muna sa kanyang silid. Inutusan naman ni Aling Josefina ang dalawa pa nilang kasambahay na sina Elsa at Anna na ayusin ang silid ni Prinsesa Emma ngunit sinabi ni Prinsesa Emma na siya na ang mag aayos ng kanyang higaan simula ngayon.
Nagtaka naman si Aling Josepna kaya tinanong niya ang Prinsesa kung bakit biglang gusto na niyang siya ang mag ayos ng kanyang higaan muna ngayon. Sinagot naman ni Prinsesa Emma na dahil kaya naman niyang ayusin ang kanyang sariling higaan at siya ay dalaga na at kaya na niyang gawin iyon. Napangisi naman si Aling Josepina na may halong pagtataka parin. Kaya pinaghain niya lamang ng makakain si Prinsesa Emma dahil nga tanghali na at hindi pa ito kumakain. Habang kumakain ay pansin parin ni Aling Josepina na ang ganda ng gising ni Prinsesa Emma pero ayaw na niyang tanungin pa dahil mukhang alam na niya ang kasagutan sa mga ngiting nasa labi ng Prinsesa.
Pagkatapos kumain ay pinaligo na ni Aling Josepina si Prinsesa Emma kaya umakyat nang muli sa kanyang silid ang Prinsesa para maligo. Matapos niya maligo ay bumaba nang muli si Prinsesa Emma at kinuha ang kanyang bagong babasahin libro. Mahilig magbasa ang Prinsesa ng libro. Ito ang kanyang libangan kapag siya ay wala pasok kaya niyang tumapos ng apat na makakapal na libro sa loob lamang ng dalawang oras pati ang mga kasambahay nila sa bahay ay hindi makapaniwalang ganoon niya kahilig ang pagbabasa.
Sa gitna ng kanyang pagbabasa ay inistorbo siya ni Aling Josepina at sinabing siya ay may bisita. Agad namang tinanong ni Prinsesa Emma kung sino ang kanyang binibisita at sinabi ni Aling Josepina na si Prinsipe Andrew ang dumating. Kaya nataranta si Prinsesa Emma nang marinig niyang si Prinsipe Andrew ang bumisita sa kanya kaya napatong ang Prinsesa kung magulo ba ang kanyang damit? Magulo ba ang kanyang buhok? Natawa naman si Aling Josepina kaya sinagot niya na maganda parin naman siya at hindi magulo ang kanyang itsura at sinabing nasa may hardin si Prinsipe Andrew.
Kaya pinuntahan na ni Prinsesa Emma ang Prinsipe sa kanilang hardin. Kitang kita na nahihiya ang Prinsesa kay Prinsipe Andrew kaya nang makita ng Prinsise na papalapit si Prinsesa Emma ay ngumiti agad ito. Kinamusta naman ni Prinsesa Emma si Prinsipe Andrew at sumagot ito na ayos naman siya at sinabing buo na ang kanyang araw dahil nakita na niya si Prinsesa Emma. Ngumiti naman ang Prinsesa dahil sa sinabi ni Prinsipe Andrew sa kanya. Napansin ni Prinsipe Andrew na parang hindi masayang makita siya ni Prinsesa Emma kaya tinanong niya ito kung may problema ba? Ayaw ba niyang makita muna ngayon ang Prinsipe? O kaya naman ay kung meron ba siyang maling nasabi?
Sinagot naman ni Prinsesa Emma ang lahat ng tanong ni Prinsipe Andrew. Sabi ng Prinsesa na walang problema, walang itong maling nasabi at mali ang kanyang iniisip sadyang nahihiya lang ang Prinsesa kay Prinsipe Andrew dahil hindi nga niya alam kung ano ang kanyang sasabihin kung sakaling tanungin ni Prinsipe Andrew kung ano ang kanyang sagot sa liham na ibinigay ni Prinsipe Andrew. Lumaki naman ang mata ni Prinsipe Andrew dahil sa sinabi ni Prinsesa Emma at nakita niyang namumula ang mga tengga ni Prinsesa Emma habang siya ay nagsasalita. Kaya sinabi ni Prinsipe Andrew kaya niyang hintayin kahit kailan ang sagot ng Prinsesa basta hayaan lamang niyang mapakita na seryoso ang nararamdaman ni Prinsipe Andrew para kay Prinsesa Emma.
abangan ang susunod na kabanata....
Nakaraang kabanata:
Kabanata 1 Ang Prinsesa
Kabanata 2 Ang Prinsesa: Pagtingin
Kabanata 3 Pagtatagpo
Kabanata 4 sobre
"Join us on the SteemGigs steem-based website here. You know; "everyone has something to offer!"
Stay awesome!"
Ani. feel ko ang ganda ng storya. di ko muna babsahin to, Hindi ko pa nabasa yung simula :) para mas maganda
Sige kuya medyo mahaba haba na yan
Didn't understand the language but i love the image .
This is my favorite movie Frozen fever <3
Thank you munazza have always tried to support me. Soon I will write english again
Enebeyen, nabitin na naman ako.
abangan ang susunod hehehe
okay ang story ,,,napaka creative @ankarlie:)
thanks for visiting my blog ate :)