The Man Who Saved the World

in #ulogs4 years ago

Untitled.jpg

Introduction


Welcome back ulit dito sa ating steemit account mga kaibigan.

Pag usapan natin sa video na ito ang isang pangyayari noong 1983 kung saan ay napigilan ng isang tao ang pagsiklab ng ikatlong digmaang pandaigdig.

Sino kaya ang taong ito at paano niya napigilan ang ikatlong digmaang pandaigdig?

Yan ang ating sasagutin sa video na ito mga kaibigan.

Pero bago ang lahat ay kung napadaan ka dito sa ating steemit account kung saan magkakaroon ka ng kaalaman sa mga kakaibang pangyayari sa ating kasaysayan ay magsubscribe ka na at iclick ang notification bell ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest topic na aming inilalabas every week

Ako po si alfren ng alfren aiza tv.

If you want to watch this video, you can watch it here

The Story


Ipakilala na natin si stanislav petrov na ipinanganak noong september 7, 1939 sa vladivostok sa bansang russia.

Siya ay isang lieutenant colonel mula sa soviet air defence forces.

At siya ang taong pumigil sa ikatlong digmaang pandaigdig. Nasagot na ang una nating tanong mga kaibigan.

Ang sunod naman na tanong natin ay kung paano niya napigilan ang ikatlong digmaang pandaigdig?

Nagsimula ito mga kaibigan noong september 26, 1983 kung saan nakaduty ang ating bida sa serpukhov 15 bunker na malapit sa moscow.

Sa moscow matatagpuan ang command center ng isang soviet early warning satellite.

Mga kaibigan, ang soviet early warning satellite ay isang teknolohiya ng russia kung saan magpapadala ito ng signal kapag may nuclear messile na aataki sa kanila.

Kasama sa responsibilidad ng ating bida ang pagmomonitor sa early warning satellite at pag alerto sa kanyang nakatataas kung may nuclear messile na paparating laban sa soviet union.

Bago tayo magpatuloy mga kaibigan ay ipapaliwanag ko ang protocol o systema ng union soviet kapag ang early warning satellite ay nakadetech ng messile galing america.

Agad na magpapakawala ng hindi lang isa kundi lahat ng nuclear messile ng soviet union ay ipapadala nila sa america.

Kung baga mga kaibigan, ito ay all out nuclear war na pwedeng tumapos sa lahat ng buhay sa buong mundo.

Hawak ng soviet union ang mga pinakamalalakas na nuclear weapons sa buong mundo. At isa nga dito ang tsar bomb na tinaguriang pinakamalakas na nuclear weapon sa buong mundo.

Sa sobrang lakas ng tsar bomb ay umikot ng tatlong beses ang shock wave nito sa mundo.

Habang ang america naman ang may hawak ng pinaka accurate na mga messiles sa buong mundo. Asintado ang mga messiles ng america.

Kaya naman kung maglalaban ang dalawang bansa na ito ay siguradong pangatlong digmaang pandaig na ang magaganap.

Ngayon mga kaibigan ay naintindihan na natin kung anu ang mangyayari sakaling makadetech ng messile ang early warning satellite ng soviet union.

Balit muna tayo sa ating bida mga kaibigan.

Habang nakaduty ang ating bida, biglang nagdetech ng early warning sattelite na merong paparating na messile galing sa america papuntang soviet union.

Dito mga kaibigan masusubukan ang desisyon ng ating bida dahil kailangan niyang magbigay agad ng signal sa kanyang nakatataas dahil yun ang trabahong ibinigay sa kanya.

Kung susundin ng ating bida ang systema kung saan kailangan niyang magbigay ng signal sa kanyang nakatataas kapag nakadetech ang nasabing early warning satellite ay siguradong ikatlong digmaang pandaigdig na.

Kapag hindi naman niya ito sinunod ay mapapatawan siya sa paglabag sa soviet union protocol at maparusahan ng kamatayan.

Kung baga mga kaibigan ay nasa kamay na niya ang pagsisimula ng malaking pandaigdigang digmaan.

Ngunit nabatid ng ating bida na nagkaroon lang ng computer malfunction ang nasabing early warning satellite kaya nagdesisyon itong hindi na ialerto ang kanyang nakatataas.

Isang maling desisyon lang ng ating bida ay tiyak wasak na ang mundo dahil sa nuclear war na mangyayari sakaling mali ang desisyon nito.

Final Comments


Yan ang kwento ng taong pumigil sa ikatlong digmaang pandaigdig.

Sa pagdedesisyon mga kaibigan ay dapat nating isaalang alang ang lahat ng bagay na pwedeng makaapekto.

Kaya dapat tayong maging matalino tayo sa kahit anung desisyon na ating gagawin.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng ating bida, anu kaya ang gagawin mo?

Iaalerto mo ba ang nakatataas sayo o hind na.

Icomment mo na ang iyong sagot upang malaman natin ang desisyon mo.

Nagustuhan mo ba ang video natin ngayon? Wag kalimutang magsubscribe at iclick ang notification bell ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest video na aming inilalabas every week.

Salamat sa magandang komento na yan mga kaibigan

Ako po si alfren ng alfren aiza tv

Do not forget to Follow, Subscribe to our Social Media Platforms

107615501_196438058493968_5106049391001355523_o.jpgFacebook: facebook.com/alfrenaizatv
Youtube: youtube.com/c/alfrenaizatv
Twitter: twitter.com/alfrenaizatv
Steemit: steemit.com/@alfrenaizatv

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98997.25
ETH 3299.74
USDT 1.00
SBD 3.03