UlogHugot: Saan ako nagkamali... sa isip o sa gawa?

in #uloghugot6 years ago

Noong makilala kita, araw ko ay gumanda, biglang nagkakulay ang mundo ko. Ang tuwang aking nadarama ay sadyang walang humpay at natatanging hiling na sana'y di na matapos pa. Kasama sa tawanan, sa iyakan maging sa asaran pero ni minsan di mawawala ang pikunan na nauwi sa asaran. Nang bigla akong nagising sa katotohanang nananaginip lang pala ako, na panaginip lang pala ang lahat o sadyang ito ang aking paraan para sakit aking makalimutan.

Kahit ilang beses kong kurutin sarili ko, sampal sampalin ang pagmumukha ko pero oo nga, totoo pala. Oo, totoo palang nakilala kita, nakikita kita araw-araw at sadyang mapaglaro ang tadhana kung kailan gusto na kitang iwasan, gusto na kitang di makita pero sadyang panahon na ang nagtatagpo. Kay sakit isipin na ako'y nahulog sayo, nahulog sa mga salita mong walang kahulugan sayo pero sa puso ko, tamang tama pala. Yung mga kilos mong nakaka-fall, yung mga galaw mong nakakasarap magpaalaga, nako, nako, saan ba ako nagkamali sa isip o sa gawa?

Hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa isang patibong. Oo, may asawa ka at di puwedeng hayaan na lumala tong nadarama ko para sayo. Paano ko hinayaang mahulog sa isang tulad mo? Oo, wala nga sa tabi mo ang asawa mo pero yung katotohanang di mo ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa asawa mo. Oo, kay sakit isipin na ako'y magmamahal sa taong di-karapat dapat, at sa taong ni kailan man di mapapasaakin.

Ang baliw kong puso, nabaliw sa di-tamang tao. Oras inaksaya, lakas binalewala pero yung katotohanang minsan ako'y naging masaya. Nauwi nga tayo sa pagiging magkaibigan pero ang ilangan ay andyan. Ni minsan di ko man sinabi sayo ang aking naramdaman ngunit alam ko, alam mo kung ano at bakit. Mali bang di ko sinabi o mas mali kung aking ibinahagi damdaming di naman dapat o sadyang mas kailangan sarilihin na lamang. Bakit ko kasi hinayaan? Saan ba ako nagkamali, sa isip o sa gawa?


Baka iyong isipin, larawan ay di angkop ngunit sa larawan kami unang nagkatagpo pero hindi siya ang gumuhit nito, ginamit ko lamang sa blog ko na ito. Drawing ito ng kaibigan ko sa dati kong school.


Official entry po ito sa #UlogHugot ni @sunnylife.


Sort:  

aw hugot lines in tagalog hin ko kaya

kaya mo yan, sis...

ay grabee sis. masarap magmahal pero bat may mga bawal na pag mamahal?

ganda ng kwento at pati yong drawing, true stroy ba to sis hihi
salamat sis. Resteemed!

hahaha ang hirap humugot ng di-totoong nangyari sis... yung emosyon na ibubuhos mo sa bawat hugot ay mas madali kung totoong naranasan... hehehe.. thank you, sis!

ay oo nga ano, pag totoo kz nde na kailangan isipin hehe andyan na na as in isususlat na ang at ibabalik ang nakaraaan naks hehe
thanks sis

This comment was made from https://ulogs.org

Create daily Ulog post but not profit create this

Posted using Partiko Android

okay... thank you for the reminders...

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 90598.76
ETH 3112.87
USDT 1.00
SBD 2.99