#ulog no. 20 : Buhay Nanay

in #ulog6 years ago (edited)

Hi guys welcome to my blog😊😊

Pasensya na kong ngayon lang po ulit ako nakapag blog gawa ng walang wifi dito sa bahay hehe.. Ganun man nagpapasalamat parin ako sa pagkakataon na ibinigay sa akin at kay sir terry or @surpassinggoogle salamat po..😊😊😊

Maghapon pagod sa pagbabantay ng bata at umatend pa ng meeting kasama si pamangkin
May meeting daw yung panganay kong anak kaya kahit na mainit at madali akong mapagod, umatend parin ako para sa anak ko.. Buhay nanay nga naman kahit mahirap kakayanin parin😉 😊

CYMERA_20180730_220411.jpg

nagselfie kahit nasa gilid ng kalsada.🤣Pagbigyan nyo na guys nagmamaganda lang po sa hapon hehe napakainit kasi kaya imbes na mainis idinaan ko nalang sa selfie wala kasing masakyan na jeep kaya ayun nilakad namin kahit na malayo at mainit kaya tuloy parang nangitim na naman ako yung isang taon kong pinaghirapan na puti nawala lang sa loob ng isang araw 🤣🤣 sabi nga ng mama ko hiram na puti ko daw sa pagkukulong ng bahay haha

Enjoy sya sa pagseselfie 🤣🤣

IMG_20180730_141551.jpg

Maganda din sa katawan ang paglalakad lakad para pagpawisan tayo at hindi tamarin yung iba kasi halos ayaw na tumayo at maglakad puro paabot nalang kahit kaya naman nilang gawin iuutos pa 🤣🤣

Pagdating namin sa eskwelahan matagal pa kaming nag antay sa labas walang upuan. Maraming mga nanay na din ang andun na nag aantay magsimula ang meeting gawa ng may bagong teacher sa school gusto dw makilala muna ang mga magulang bago sila mag umpisa ng klase ng mga bata.

Yun lamang sa ngagon guys!! Maraming salamat po😊😊

❤️ @wilson29

Sort:  

Ganun daw talaga ang buhay nanay. Kahit mainit o ano pa mang discomfort ay kakayanin para sa anak. Mabuhay ka,nanay! 😊

Hehe Oo nga po..Salamat po😊

You're welcome. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 102419.62
ETH 3707.14
USDT 1.00
SBD 3.24