ULOG 26.0: KARAY-A AKO Komiks 4: "Karay-a meets Hiligaynon"

in #ulog6 years ago

(Ang drawing na ito ay sariling konsepto at guhit ng may-akda)

Heto po ang aking pang-apat na komiks na inihahandog sa komunidad ng #steemit. Kung hindi pa ninyo nabasa ang mga naunang komiks ko na ginawa ay narito po ang mga link:

  1. KARAY-A AKO KOMIKS 1: "Mongol" .
  2. KARAY-A AKO KOMIKS 2: "Imbento" .
  3. KARAY-A AKO KOMIKS 3 : "KUDOG" (Nginig) .

Para maiba naman sa dati kong ginagawa dito sa #steemit ay napagpasyahan ko na gumawa ng komiks. Ito ay sa layuning mapagyaman ang isa sa mga dialekto sa Pilipinas partikularmente ang "Karay-a" o"Kiniray-a" na dialekto na halos kahawig ng "Hiligaynon" na dialekto sa Visayas.

Ang karay-a na dialekto ay maari mong mapakinggan sa mga Kabayang ipinanganak o nakatira sa Panay Island lalo na sa probinsiya ng Iloilo at Antique.

Sisikapin ko na maisalin ito sa tagalog at/o english para sa ikauunawa ng mga mambabasa. Subalit hindi ko maipangako na ang mga ito ay may parehas na "sense of humor" kapag naitranslate na.

Subalit inyo pong aasahan na ang mga susunod ko na komiks ay may translation sa tagalog o english o hindi kaya ay nakasulat na sa nabanggit na lenguahe kung ito ay angkop sa mga temang komiks.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aking mga gawa.


Pagsasalin sa Tagalog/Filipino/Taglish:

Synopis: Sa probinsiya namin sa Visayas may magkalapit na baranggay na nahati ang kanilang salita sa dialektong hiligaynon at karay-a . Sa isang barangay lahat ng nakatira doon ay gumagamit ng salitang hiligaynon samantala ang susunod na baranggay ay karay-a naman ang gamit sa pagsasalita.

Isang araw, napunta ang aso ng lalaking hiligaynon sa baranggay ng mga karay-a.

At dito nagsimula ang komiks:

1st Frame:
Hiligaynon Boy: Noy, Nakita mo ba ang "IDO" (hiligaynon word for a dog) ko dito?
Karay-a Boy (with hat) : Ay, walang "IDO" (aso) dito.

2nd Frame:
Hiligaynon Boy: Ay bakit walang ido dito?
Karay-a Boy (with hat): Oo, totoo, wala kang makikita na IDO dito, "AYAM" (aso; karay-a word for a dog) lang ang nandito.
O ano hahanapin mo pa ba?

3rd Frame:
Hiligaynon Boy: Hindi na, sabi mo kasi walang IDO dito. Good bye IDO! huhuhu!
Karay-a Boy (with hat): Ah okey cgeh alis na ako.
Hello IDO! (habang nakasulyap sa asong malapit sa puno).


Photo shot: LG4 ; Edited through camScanner app.


Disclaimer: Maari pong sa inyo nanggaling ang mga original jokes na magagawa ko o magkaroon tayo ng pagkakahawig. Ang mga jokes sa aking sariling koro-koro ay nagkakahawig o nagkakaparehas paminsanminsan dahil siguro ang tao ay mayroong halos magkaparehas na karanasan anuman ang kanyang estado sa buhay. Ang mga jokes ay kadalasang naiisalin sa pamamagitan ng salita lamang at kung minsan ay napupulot din natin sa mga nililimbag na nga artikulo at dahil nakarelate tayo ay atin itong ibinabahagi sa akmang pagkakataon at sitwasyon. Layunin ko lang na ipublish ang mga katawa tawang mga karanasan sa pamamagitan ng komiks upang maisalin ito sa susunod pa na henerasyon. Subalit kung ito ay copyright maari nyo po akong tawagan ng pansin agad at ipakita ang ebidensiya ng inyong copyright para po maayos natin at maisaalang alang ang inyong karapatan.


==========V=0=T=E==F=O=R===========
Have you voted your witness?

Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @enginewitty, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community. Also special mention to @therealwolf for maintaining a healthy bot upvote system.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=========S=T=E=E=M=G=I=G=S=========

Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration.

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 96423.52
ETH 3385.69
USDT 1.00
SBD 3.07