ULOG 8: Sa Jolibee, bida ang SAYA! :)
Magandang gabi sa inyong lahat! :)
Gusto ko lamang ibahagi sa inyo itong higanteng lobo ng itsura ni Jolibee. Ang Jolibee ay isang sikat at napakasarap na kainan na dito lamang matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay sinisimbolo ng isang tutubi na nakangiti at nagngangalang Jolibee. :) Bukod sa mga masasarap na pagkaing itinitinda nila, sigiradong sulit dahil mura ang mga pagkain dito. :)
Nagpunta ako kanina sa isang pamilihan malapit dito sa aming bahay nang makita ko itong malaking lobo ng itsura ni Jolibee. Nakakamangha! Sa laki ng lobo ay mas malaki pa sa akin ang sukat ng sapatos niya. :)
Dahil rito, maraming mga bata rin ang natuwa. Katulad ko, marami rin ang mga nagpakuha ng litrato kasama ang higanteng lobo na ito. Hindi lang mga bata ah, kundi pati mga may edad na. :)
Tunay ngang "Sa Jolibee, bida ang saya" sapagkat sa simpleng imahe lamang ni Jolibee, marami na ang napapasaya. :) Lalo pa kung matikman ang napakasarap nitong "crispylicious, juicylicious chicken joy, langhap sarap na yumburger, linamnam ulam na burger steak at saucy spaghetti"! :)
Tayo nang suportahan si @surpassinggoogle sa mga layunin nya upang makatulong sa atin dito sa Steemit. Simulan natin ito sa paggawa ng mga "ULOG" na nagsasaad ng mga patungkol sa ating personal na buhay at gawain sa pang araw araw. :)