Russian Sleep Experiment, Real or Not?

in #ulog4 years ago

Untitled.jpg

Introduction


Welcome back dito sa ating steemit account mga kaibigan. Pag usapan natin sa video na ito, ang pinaka nakakatakot na experimentong nangyari noon sa bansang Russia. Sinasabi ng marami na ang experimentong ito ay nagresulta ng pagsapi ng demonyo sa katawan ng tao.

Nakakagulat, nakakagimbal ang experimentong ito na ginawan ko pa ng unang video noon.

Kaya muli, ito ang ating pag usapan ngayon.

Pero bago ang lahat ay kung napadaan ka dito sa ating steemit page na kung saan ay magkakaroon ka ng kaalaman sa mga kakaibang pangyayari sa ating kasaysayan ay magfollow ka na at iclick ang upvote ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest topic na aming inilalabas every week

Ako si alfren ng alfren aiza tv

You can watch our video here

The Story

Nagsimula ito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig noong dekada kuwarenta.

Ang mga scientist noon ay gumagamit ng isang chemikal sa mga sundalo upang hindi sila antukin sa panahon ng digmaan.

Ito ay isang kemikal na nag aalist ng antok ng isang tao o hayop kaya naman biglang naisip ng mga scientist ang isang experimento kung saan susubukan nilang alamin ang epekto ng hindi pagtulog gamit ang nasabing kemikal.

Walang naging problema sa paghahanap ng mga test subjects noon dahil marami silang bihag na pwedeng pag testtingan sa nasabing experimento.

Pumili sila ng limang tao at binigyan sila ng kondisyon na papalayain sila kapag pumayag sila at natapos ang experimento.

Ang isa sa kondisyon ay kailangan nilang maging gising sa loob ng tatlong pong araw. Pumayag ang limang test subject.

Dinala agad sila sa isang lugar kung saan doon isasagawa ang nasabing experimento. Silyado ito at kumpleto naman sa kagamitan gaya ng lababo, kumita at higaan at tinawag itong gas chamber.

Dito mga kaibigan ay may tubo at maliit na butas upang doon dumaan ang kemikal papunta sa chamber.

Meron ding microphone sa loob upang marinig ng mga scientist ang nangyayari sa loob ng chamber.

Hindi pa uso ang cctv dito kaibigan kaya naglagay sila ng maliit na bilog na salamin para kahit papaano ay masilip nila ang nangyayari sa loob.

At syempre, meron silang mga pagkain at tubig para mabuhay.

Ngayon mga kaibigan ay kumpleto na ang lahat para umpisahan ang experemento sa limang test subject at ito ay tinawag na russian sleep experiment

Sa una hanggang pangatlong araw ng experemento ay naging normal lang ang lahat. Nagkukwentuhan pa ang limang test subject sa kani kanilang naging buhay at paminsan minsan ay nakikipagbiruan sila sa mga scientist.

Ngunit nagsimula itong magbago noong pang apat araw. Kung saan nabago ang kwentuhan ng mga test subject at napunta sa pagkatakot sa digmaan, troma, bangungot at iba pang nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay.

Dumating ang ikalimang araw at mas lumala pa ang mga sumunod na pangyayari. Dito mga kaibigan ay nagsasalita na sila kahit wala ng kausap. At sinasabi nila ang mga bagay na wala naman sa nasabing chamber. Nakakakita sila ng mga kakaibang larawan ng kasamaan.

At napag alaman ng mga scientist na sila ay naghahalucination na. Ngunit hindi nila alam kung ito ba ay epekto ng walang tulog o epekto ng kemikal sa utak?

Nagtuloy tuloy ito mga kaibigan hanggang dumating ang ikasiyam na araw, kung saan ang isang test subject ay nagsisigaw ng nagsisigaw. Hindi ito tumigil sa kakasigaw hanggang ang kaniyang vocal chords ay nabasag na. Hindi pa rin ito tumigil sa kakasigaw kahit basag na ang kanyang vocal chords.

At dahil basag na ang kanyang vocal chords ay halos hindi na rin marinig ang kanyang sigaw kahit na patuloy itong sumisigaw. Ang mga kasama naman niyang test subject ay tahimik at wala ng pakialam sa kanilang kasama.

Lumipas pa ang ilang araw ay hindi na nila marinig ang mga test subject. Kaya akala ng mga scientist na sira na ang microphone sa loob.

Kaya sinabi nila sa mga test subject na bubuksan nila ang chamber para ayusin ng mikropono subalit sumagot ang isa sa mga test subject at sinabi ang "hindi na namin gustong lumabas dito".

Kaya naisip ng mga scientist na naadik na sila sa kemikal na lagi nilang nalalanghap.

Kaya naman inumpisahan na nilang bawasan ang kemikal na nasa chamber sa ika labinglimang araw. Ilang sandali pa ay biglang may sumigaw ng sumigaw at sinabing "gusto pa namin ng gas,wag nyu itong aalisin"

Nagulat ang mga scientist at agad na binuksan ang chamber. Dito bumulagta sa kanila ang mga test subject na pigtas na ang mga laman at balat. Isa dito ay namatay na at apat na lang ang natira.

Kahindik hindik ang nangyayari sa apat na test subject na animoy nalulusaw na ang kanilang mga laman a balat. At ang ibang mga internal organs nila ay nasa sahig lang. Mga kaibigan dito ay parang kinakain na nila ang sarili nilang mga laman.

Dahil sa ganitong pangyayari ay humingi ng tulong ang mga scientist sa mga sundalo. Muli nilang isinarado ang chamber, ngunit may sumigaw ng malakas na "ibalik ninyo ang kemikal gas dito sa chamber"

Ng dumating na ang mga sundalo ay nanlaban ang mga test subject at limang sundalo agad ang namatay.

Ng mailabas lahat ng test subject, isa lamang ang kanilang isinisigaw. Na ibalik sila sa chamber at bigyan ulit sila ng kemikal gas.

Ilang sandali pa ay nakatulog ang isa sa mga test subject at agad din namang binawian ng buhay.

Habang ang tatlong natitirang test subject ay ginagamot at ibinabalik ang nabaklas na mga organs.

Nag inject ng anestitic ang isang scientist sa isang test subject na agad namang huminto ang tibok ng puso at namatay. Kaya hindi na nila tinusukan ng anestitic ang dalawa pang natitirang test subject.

Muli silang tinanong ng mga scientist kung bakit kailangan nila ng kemikal gas. Sumago ang isa sa mga test subject ng ganito "kailangan namin yun para maging gising"

Kaya muli ay ibinalik sila sa gas chamber. Dito muli silang naging normal. Subalit hindi nagtagal ay nagkaroon ng abnormal functioning ang utak ng isa sa mga test subject na agad nitong ikinamatay.

Muling pumasok ang mga scientist kasama ang isang general sa gas chamber upang alisin ang patay na test subject.

Subalit dahil sa stress at hindi magandang resulta ay binaril ng isang scientist ang heneral na kanilang kasama at tinanung ang isa sa mga test subject kung anu ba siya o kung sino siya dahil gusto nyang malaman ang totoo.

Sumagot ang test subject ng "nakalimutan mo na ba? Kami ay ikaw, kami ang galit na nagmumula sa bawat isa sa inyo na nakikiusap sa bawat pagkakataon sa inyong hindi makataong pag iisip. Kami ang mga nasa panaginip nyu tuwing gabi, kapag kayo ay napaparalisa sa inyong panaginip. Kami yun.

Kaya binaril ng scientist ang huling test subject.

Final Message

Mga kaibigan yan ang kwento ng russian sleep experiment.

Maraming tao ang hindi naniniwala sa pangyayaring ito. Kaya anu sa palagay mo kaibigan?

Icomment mo na ang iyong reaksyon at kung may suggested topic ka ay icomment mo na rin sa ating comment section.

Wag kalimutang magfollow at iclick ang upvote ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest topic na aming inilalabas every week

Salamat sa lahat ng nagcomments at nagupvote.

Ako si alfren ng alfren aiza tv

Do not forget to Follow, Subscribe to our Social Media Platforms

107615501_196438058493968_5106049391001355523_o.jpgFacebook: facebook.com/alfrenaizatv
Youtube: youtube.com/c/alfrenaizatv
Twitter: twitter.com/alfrenaizatv
Steemit: steemit.com/@alfrenaizatv

Sort:  

napanood ko nga yan. grabe yung ginawa sa kanila.

panahon yan ng ww2. parang zombie daw ang resulta ng experiment na yan

sobrang natakot tuloy ako

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 98411.40
ETH 3463.94
USDT 1.00
SBD 3.21