Pinagkunan
Paruparong kay ganda.Makulay ang paglipad sa t’winaMaari bang ikaw sa akin ay manatiliBigyang kulay ang aking mga ngiti?
Oh paru-parong mapaglaroBakit sa iba’t ibang bulaklak dumadapo?Ang iyong kagandahan ay nakakasilawKung ikaw ay akin, pag-ibig ay mag-uumapaw.
Maari bang sa akin na lang ang iyong pag-ibig?At sa iba ang atensyon ay wag na ikabig.Ikaw ay kayamanang sa maruruming kamayAy hindi dapat ialay.
Isa kang paru-paroNgunit ang puso sana ay di mapaglaroKung ikaw sa akin ay tuminoBuhay at kinabukasan mo ay hindi maglalaho