Batang Ina

in #tula7 years ago

mother-1039765_960_720.jpg
Photo source.


Paano nga ba ang maging batang ina? Pakinggan natin ang saloobin ng isang batang ina sa tulang ito.

Ako’y pinagtawanan at hinusgahan.
Kahit nga ang karapatang lumaban ay pinagbawalan.
Nagkamali ako ng pinasukan
Ngunit gaya ng ibang tao, ako ba sa pangalawang pagkakataon wala ng karapatan?
Ako’y batang ina. Ngunit ito ay di hadlang upang ako ay lumigaya.

Sa tingin ng iba, kinabukasan ko’y tapos na.
Hindi nila batid na dahil ngayon kami ay dalawa na,
Kaya’t ako’y mas malakas ang loob na lumaban pa.
Lalaki man ang aking anak na walang ama,
Ngunit di ito kakulangan dahil pagmamahal ko’y sapat na.

Ako man ay batang ina,
Sa anak ko’y ang magandang buhay, hindi ko ipagkakait sa kanya.
Lalaki siyang may ina na mistulang ka-barkada.
Dahil batang ina man ako sa paningin ng iba,
Ako’y tao pa rin na sa problema ay hindi padadala.

Bata man akong ina,
Masaya pa rin ako dahil sa pinili kong gawin ang tama
At iyon ay piliing ang mali ay itama.
At anak ko’y bigyan ng pagkakataong ang mundo ay makita.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 105094.83
ETH 3305.12
SBD 4.16