Photo source.
Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito,Hanggang ngayon, di ko pa rin mapagtanto Kung paanong ikaw na taoAy kaya kong bilugin ang uloAt paikutin sa mga palad ko.
Naalala mo pa ba nung hinoldap moAng mamang nagbebenta ng balut sa kanto?Naisip mo ba kung paano syang nagtrabahoUpang kahit na papaano ay maiuwi kay bunso? Nakakaawa ka talaga, tao!
Nung sinira mo ang tiwalaAt paanong kinalimutan ang ibang biyayaSa kadahilanang pera ay sayo mas mahalaga.Tao, gumising ka!Mas mainam na sa gabi ay nakakatulog ng maginhawaKesa lamunin ka lang ng pera.
Simpleng kasiyahang hatid ng kaibiganO kahit sa simpleng bagay ang iba ay matulunganEto may mas dapat na pahalagahan.Sapagkat ako ay pera lamang
at sa akin ay wag kang maging gahaman.