Liwanag sa Aking Karimlan

in #tula6 years ago (edited)

a-3308712_960_720.jpg
Photo source.

Ako'y nakatanga sa ilalim ng buwan.
Hindi pa rin mawari
kung bakit ako'y iyong naibigan.
Isa kang marikit na bituin
at ni minsan di ko naisip na maging akin.

Ang mahalin ka'y aking ninais.
Ang mahalin mo rin ay talagang napakatamis.
Totoo nga ang pag-ibig ay mahiwaga.
Ngayong kasama kita'y higit pa sa lottong milyones ang gantimpala.

Sana'y tulad ng buwan
Ang pag-ibig mo'y tumagal.
Di lamang pang madalian,
Ngunit kahit na rin sa dulo ng walang hanggan.

Oh pag-ibig ko, ikaw sa akin ay tulad ng buwan.
Di man kasing sikat ng araw
Ngunit kampante namang umula't bumagyo nanjan naman.
At kagaya ng buwan, ika'y hinding-hindi iiwan.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57621.01
ETH 3094.14
USDT 1.00
SBD 2.32