Tula, Isang Katha :: MAPALAD KA | Makita sana natin ang ibang bahagi ng ating kabiguan

in #tula7 years ago

images (3).jpeg

Mapalad Ka

Sa paggising mo, iyong makikita
Ang isang araw na pasikat na
Ngunit 'di mo pansin at alintana
Ang hatid nitong pag-asa sa iba

Patuloy ka sa iyong mga reklamo
Na tila ba, buhay mo ay puro bigo
Wala ka nang bukambibig
Kundi ang 'di mo masungkit na pag-ibig

Akala mo buhay ay tila isang laro
Na pag ikaw ay nabigo,
Gusto mong i-"reset" at simulan muli
Pero buhay naman ay hindi

Magpapatuloy ka, kahit hindi mo gusto
Babangon ka kahit masakit man sa'yo
Dahil mas marami ngayon sa mundo
Ang gustong-gusto mabuhay 'di tulad mo

Ang iba ay nakikibaka sa mga bala,
Mayroon din sa mga kabiguan nila,
Sa mga sakit na sa kanila'y pumapatay ng walang awa
At sa mga dahilan na 'di natin lubos mahinuha

Kaya mapalad ka pa rin,
Sapagkat lahat kami ay umaalalay rin
Sa iyo na aming kaibigan
Pero sana iyong masilayan
Kung gaano ka pa rin kapalad sa iyong kinatatayuan


Minsan, nakikita natin ang bigat ng ating kabiguan ngunit nakaklimutan natin ang ating kasiyahan na nagdadala ng pag-asa. Dahil dito tayo ay unti-unting kinakain ang ating kaligayahan at ating rason na mabuhay ay minsan ng binabalewala.

Kaya kaibigan, bago mahulit ang lahat ay sana makita mo kung gaano ka pa rin kapalad sa kabila ng lahat.


Isang Tula, Isang Katha para sa pusong sawi at nangangailangan ng kalinga

Image source

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by leryam12 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96989.50
ETH 3378.64
USDT 1.00
SBD 3.23