Tula, Isang Katha :: DESISYON | Ang isang kritikal na parte ng buhay

in #tula7 years ago

images.jpeg

Desisyon

Sa paglinang, ating nasusubukan
Kung paano buhay ay hahawakan
Sa bawat araw na paglipas
Handog nito kakaibang paghampas

Sa bawat minuto na may desisyon,
Sa bawat paggising, may kakaharaping misyon
Pero paano nga ba haharapin?
Kung alam mo ay may magigipit din?

Kay hirap gumawa ng isang sakripisyo
Na alam mong may maisasalbang tao
Kahit iyong kaligayan ay kapalit nito
Handa bang kasiyahan ay ialay mo?

O magiging huwad na lamang,
Kakaharapin ang isang katotohanang
Lahat tayo ay may iba't-ibang dinaraanan
At handang iba ay magdusa sa kawalan?

Sadya sigurong kay lito,
Sarili ba ang bibigyan ng perwisyo?
O, paiiralin ang pagkamarangal na tao
At kaligayahan ay handang isakripisyo

Kaya aking kaibigan,
Mag isip-isip at pagaanin ang kalooban
Para sa isang hindi isang biro na misyon
Na kakahantungan ng iyong sariling desisyon


Isang Tula, Isang Katha para sa pusong sawi at nangangailangan ng kalinga

Image source

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by leryam12 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 105709.66
ETH 3341.43
SBD 4.12