❤️ Ang Tangi Kong Hiling ❤️

in #tula7 years ago

This is a #LongDistanceRelationship inspired poem I composed just this night. Hope you read it until the end and be inspired 😊😘😉

BCEA6924-E550-4040-A3CA-4FAEA699CC0B.jpeg

      ANG TANGI KONG HILING

Sa araw ng mga pusong paparating
Isa lamang ang tangi kong hinihiling
Ang ika’y akin ng muling makapiling
Buong atensyon, sa’yo lang ibabaling

Mula noong araw na ika’y mawalay
Araw-araw ako sayo’y naghihintay
Pinagdarasal ang iyong pagbabalik
Upang muling mahagkan ang iyong halik

Lumisan ‘pagkat kinakailangan
Lahat ay aking pagtitiisan
Lungkot at pag-alala ay lalabanan
Upang magbunga ating pagmamahalan

O Dios ko! Sa kanyang muling pagbabalik
Ako’y nananalig at nananalangin
Aming pagsasama’y pag-ibayuhin
Nang pagpapala Mo’y bumasbas sa amin

By: KhatHolanda

Hope you like it 😊
If you do so, give it an UPVOTE and COMMENT 😘

00A736B3-657B-4C0B-9C85-60F499BACBB7.jpeg

Sorry for my super messy scratch 😅🤣😂

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.25
JST 0.034
BTC 94096.46
ETH 2637.10
USDT 1.00
SBD 0.68