U L A N...
Oh, kay lakas ng ulan dito sa kaparangan,
Mga bata sa tuwa ay nagtatakbuhan,
Dali- dali silang lumabas sa kanilang bakuran,
Upang makaligo sa patak ng ulan.
Ala-ala ko pa noong aking kamusmusan,
Mahilig din akong maligo sa ulan,
Bahala ng magalit sa akin si nanay,
Basta't makaligo at makapagtampisaw.
Pati mga halaman ay nasisiyahan,
Pag dumarating na ang malakas na ulan,
Gustong-gusto nila na sila ay madiligan,
At nang bunga nila ay mapakinabangan.
Mga ilog at sapa din, ay nangangailangan,
Nang ulan na galing sa kalangitan,
Ang lamang tubig ay dapat din na maulanan,
Upang mabuhay ang isda at mga pasayan.
Mahalaga ang ulan sa sangkatauhan,
Pagkat dito nanggagaling ang mga kasagutan,
Ng mga nabubuhay sa dagat at kalupaan,
Na ipinagkaloob sa atin ng kahitaasan.
Sana magustuhan nyo!
Salamat sa pag,
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!
Upvoted..haha
Salamat po. @hellokittyphil
magaling po upvoted
Salamat Dot. @mrblu
Mahusay 😊
Salamat! @athenabree08