Tagalog Poem #6 || Kahirapan: Hadlang nga ba sa pag-aaral? #PHILIPPINES

in #tula6 years ago

Ang edukasyon ay importante sa mga kabataan
Dahil ang taong edukada ay pag-asa ng bayan
Ngunit paano makakapag-aral ang mga kabataan?
Kung karamihan sa mga ito ay nasa kahirapan?

Maraming mga Pilipino ang nakakaranas
Ng kahirapan sa Pilipinas
Iilan sa kanila ay umaasa sa gobyerno
Ngunit hindi naman lahat nabibigyan ng sapat na sustenso

Kaya huwag tayo palaging umasa sa iba
Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili, diba?
Tayo man ay may mahirap na kalagayan
Pero sa mga mata ng Diyos tayo ay mayayaman

Ewan ko kung saan na papunta ang tulang ito
Basta ang alam ko ang edukasyon ay ginto
Na nagbibigay-kinang sa ating buhay umasenso
At hinding-hindi maaagaw ng kung sino-sino

Kaya hindi hadlang ang kahirapan
Upang tayo'y makakapag-aral sa isang magarang paaralan
Laging tandaan na ang edukasyon ay importante
Upang tayo'y umasenso sa buhay at marunong dumiskarte


Kahirapan: Hadlang nga ba sa pag-aaral?
by: @abichan

images.jpg

Link Here

P.S. This poem is dedicated to all youth out there who are experiencing financial difficulties and can't afford to go to school. Just always remember that, "Kung gusto may paraan pero kung ayaw may maraming dahilan." Keep on fighting for your dreams in life.

That's all for today.
Keep on steeming folks 💕

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 99006.74
ETH 3331.65
USDT 1.00
SBD 3.09