Must-read: Travel Tip and Guide para sa mga nais magbakasyon abroad
Good day Steemians! This is Darwin the laagan!
Isa ba sa mga bucket lists mo ang magtravel abroad? Pwes, bibigyan ko kayo ng tip and guide para mas maging hassle - free ang inyong paglalakbay.
• Dapat dala mo siyempre ang iyong passport. Hindi ka makakapunta ng ibang bansa kung wala ka nito. Siguruhing hindi pa ito expired. Kapag anim na buwan na lang bago ang expiration date ng inyong passport ay dapat mo na tong marenew. Dahil kung hindi, hindi ka pa rin makakalabas ng ibang bansa. Ingatang hindi mabasa o malukot ang inyong passport. Magdala ng pouch o maliit na bag para sa passport at iba pang mga documento.
• Siguraduhing nakaimprinta ang inyong airline booking. Kakailanganin iyan para makuha niyo ang boarding pass niyo. Maaari ding ipakita ang email ng inyong airline booking.
• Huwag magdala ng maraming damit. 7 kilos lang na mga gamit ang maari mong ihand carry. Maghanda lang ng mga damit na kakailanganin niyo depende sa kung ilang araw kayo maglalagi sa ibang bansa. Maaring magdala ng mga toiletries kagaya ng toothbrush, toothpaste, sabon, shampoo. Tandaan, bawal ang mga lalagyang higit sa 100 ml. Halimbawa, kung gusto mong magdala ng shampoo, sachet na lang. Hindi na iyong bottle. O di kaya'y mga pabango, mas maganda kung meron kayong maliit na lalagyan para sa mga ito.
Mas magandang magdala ng extrang pera. Iba sa nakalaan mong pocket money para siyempre masulit ang bakasayon mo. Kung may ATM card kayo siguruhing ipaactivate niyo muna dito sa Pilipinas para magamit ninyo sa mga ATM sa mga bansang pupuntahan ninyo. Iyong iba pinapalitan nila ang pera natin to US Dollar. Pero sa karanasan ko, Philippine money ang dala ko papuntang Singapore. Doon na ako nagpapalit ng pera natin sa pera nila. Bakit? Una, mahirap bumili ng US Dollar sa mga bangko. Dapat may account ka nila. At kahit may account ka pa, marami ka pa ring dadaanang proseso bago ka makakapagpalit ng pera mo. Maglaan ng pera para sa travel tax at airport fee. Nasa P2350 ang kabuohang babayaran.
• Huwag kalimutang magdala ng cellphone o camera para maidokumento mo ang inyong paglalakabay.
• At ang pinakamahalaga, mag-enjoy. Huwag pastress! Minsan lang kayo makapagbakasyon at sa ibang bansa pa. Iwan niyo muna ang mga problema niyo sa Pilipinas. :)
Sa susunod kong blog, ibabahagi ko naman sa inyo ang karanasan ko kaharap ang Immigration officer. Magbibigay pa rin ako ng tip at guide para sa mas kumportableng paglalakbay.
Hanggang dito na lang. Kita kits sa susunod ko pang travel adventures. This is Darwin the laagan. Bye!
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by engrdrdarwin being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
wow, you really enjoy your travel, witnessing God's wonderful creation.
God bless in your travel always!