The Diary Game||Coconut Harvesting

in #thediarygame3 years ago (edited)

IMG_20220617_091408.jpg

IMG_20220617_113207.jpg

MYXJ_20220617152947730_save.jpg

Hello, Magandang gabi po sa inyong lahat. Nais ko lang po ibahagi sa inyo ang masasaya at nakakapagod na karanasan ko sa araw na ito.

Masayang-masaya ako kasi pumunta po kami ng aking pamilya sa aming bukid na pinagmamay-arian ng aming pinakamamahal na lolo na si Salvador Macad. Namayapa na po ang lolo ko kaya kami nalang mga naiiwan ang gumagawa ng gawaing bukid. Responsibilidad din namin yun bilang pamilya.

Namumulot po kami ng mga inaaning mga niyog para ibinta ng buo sa suki namin. Aabot ng isang libo o mahigit pa na piraso ng niyog ang naipon namin.
Nagsimula kami sa oras ng alas Otso ng umaga hanggang alas Dos ng hapon. Umuwi na kami kaagad kasi umuulan na sa bukid. Dilikado sa landslide at mga mahuhulog na mga sangga.

Medyo mahirap at nakakapagod talaga kasi masikip ang dinadanan namin. Isang maliit na ilog ang daan tapos may mga bato at kahoy pang nakaharang, kaya hindi madaling ipunin ang mga niyog.

Napakakapagod talaga , masakit sa baywang, paa at likod,. Mahirap na po igalaw ang katawan ko, pero okay lang kasi masaya naman ako sa aking ginagawa. Hindi lang talaga ako sanay sa gawaing bukid kasi madalas na sa bahay lang ako nag oonline selling at aminsan minsan lang kami pumupunta. Sa ngayon nakakabawi naman din ang katawan ko ng lakas kasi nakakatulog at nakakapagpanghinga naman ako pagdating sa bahay. Pagising ko ay sumali ako ng Volleyball upang mawawala ang antok, kasi mga alas 5:00 pm na ako nakakagising dahil sa pagod.
Gustong-gusto ko talaga pumunta sa bukid pero kaso bihira lang kami makapunta.
Ayaw kasi ng mga pinsan ko na samahan ako ,kaya kada tatlong buwan nalang kami babalik sa bukid.

Sa araw ng Lunes nalang kami babalik kasi marami kaming gagawin bukas, maghahanda kami para magsisimba sa Linggo . Salamat sa Panginoon sa pagabay at proteksyon sa aming pag punta sa bukid.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95686.04
ETH 3320.33
USDT 1.00
SBD 3.08