LUHA

in #tears6 years ago (edited)

oci-placu.jpgLikidong nanggagaling sa ating mga mata.Luha dahil masaya tayo at luha dahil nasasaktan tayo. Ang tubig na ito ang bunga ng emosyon na meron tayo. Sabi nila," Mata ang nagsisilbing bibig ng puso" Kapag hindi na kaya ng puso, si mata ang bubuhos ng mga luha para mapagaan ang nararamdaman ng puso. Minsan kasi kapag sobrang sakit na, iniiyak nalng natin at isinisigaw sa hangin. Ok lang masaktan ng pisikal, mga sugat at pasa pwde mawala pero kapag sa puso tumama minsan malala. Mahirap alisin ang sakit, di mo alam kung kailan hihilom ang sugat na naukit.
Pagluha ang tanging ginagawa natin, para maibsan ang sakit. Pagluha para sa ating pagkakamali. Pagluha kung wala tayong pagpipilian. Pagluha kung kailangan natin malayo ng pansamantala at pagluha kung minsan ang mundo laban sayo..Pero alam mo ba na mahalaga ang luha, dahil sa bawat patak nito, my aral na dala para sayo. Minsan natututo ka sa mga pagkakamali, minsan nagsisisi ka sa mga maling desisyon na nagawa mo, minsan naman masasabi mo na mali ang taong minahal m at minsan makikita mo na tama ang ibang tao. Sa panahon kasi ngayon kapag lumuha tayo, nasasaktan tayo bihira na yung lumuluha tayo dahil masaya tayo..Ngayon pag lumuha, laging dahil sa puso. Hindi naman bawal magmahal, may limitasyon lang, kasi ang masaktan ay hindi biro. Ipagpasalamat mo kung minsan kang lumuha dahil sa lahat ng sakit, hapdi at hirap na pinagdaanan mo ipinakita mo na matatag kang tao.

Sort:  

Nagustuhan ko ang pagkakalahad mo ng lahat ng sinisimbolo ng luha para sa isang tao. Maganda ang pagkakalahad. Nalito lang ako nang bahagya sa mga ibang maiiksing salita kagaya ng "m," "pwde," "nlng," at "lng." Pero bukod doon ay mahusay ang pagkakasulat mo ate @lynbabe10. Kudos sa iyo. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 98087.08
ETH 3474.73
USDT 1.00
SBD 3.09