Nalilimutan na nga ba ni JUAN ang sariling WIKA?

in #teardrops7 years ago (edited)

wika-1-638.jpg

Sa makabagong henerasyon at mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, tila karamihan sa ating mga kabataan ang patuloy na nagbabago at nakakalimot sa ating sariling wika.

Likas na sa ating mga Pilipino ang maging mahusay, matalino at nagtataglay ng kanikanilang talento.
Ngunit tila ba malilimutan ni JUAN ang sariling nyang Wika.

Karamihan sa ating mga kabataan ay tumatangkilik ng banyagan salita. Tulad ng Ingles na kung saan ito ay ating pangalawang lengwahe. Dahil sa malakas na impluwensya ng pananakop ng mga amerikano, sa nakaraang panahon, tila ba ating niyakap ang banyagang wika.

Ang pagsasalita ng Filipino o tagalog ay di nangangahulugan na ikaw ay nasa mababang antas ng pamumuhay. At ang paggamit ng salitang Ingles ay hindi din nangangahulugan na ikaw ay isang henyo o matalino sa mataas na posisyon sa pamayanan.

Ang pagmamahal sa ating sariling wika ay sumasalamin sa pagmamahal sa ating kultura, lahi, kasaysayan at mahal na bayan o bansa. Na marapat nating pagyamanin at mahalin, dahil sa pamamagitan ng ating wika, ito ang daan para sa pagkakaisa, pagkakaunawaan, katarungan at kaunlaran.

Hindi masamang tumangkilik ng salitang Ingles ngunit hindi dapat nating ipagyabang ang ating kakayahan o galing sa wikang banyaga. Na kung saan tila ba’y ating kikutya ang mga gumagamit ng Pilipinong wika.

Marami sa ating mga kabataan ang nagiging pamantayan ito at ikinahihiya ang ating sariling salita o wika. Ang ating mga bayani ay gumamit ng mga matatalinghagang salawikain, tula, panitikan at nobela gamit ang ating sariling wika. Upang maipagtanggol ang ating bayan at makamit ang kalayaan.

At bilang ganti at pagpapahalaga sa kanilang dakilang gawa, marapat na ating pagyabungin, palaganapin pahalagahan at ipagmalaki ang ating wika sa mabuting pamamaraan.

Hindi dapat natin pagtawanan at ikahiya ang diwa ng ating wika bagkos itoy ipagmalaki bilang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.

Dahil si Juan na makabayan ay marapat na magmahal at wag kalimutan ang kahalagahan ang sariling wika.

Nagmamahal
-Rio

Larawan mula sa https://www.slideshare.net/yani-yanyan/wika-53186597

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 97219.48
ETH 3408.71
USDT 1.00
SBD 3.02