"Tapos Na" - Isang Malayang Pagtula pero may Tugma
Muling bumalik ang mga alaala
Kung paano ang lahat ay magsimula
Natatawa na lang ako bigla
At sa huli ay napabuntong hininga
Matagal na pala nag simula ang karera
Ngayon ay awards ceremony na
Marami din nalagas sa kalagitnaan
Dahil sa mga iba't ibang dahilan
Marami pa din ang nakipag sapalaran
Gustong makita ang kanilang kapalaran
Kahit ang iba ay pinanghinaan
Nakakuha sila ng suporta sa kanilang magulang at kaibigan
Sa karerang ito ay bawal kang malingat
Lahat ng kilos ay kalkulado dapat
Samahan ng pag iingat
Para ikaw ay maging karapat dapat
Dumaan ang iba sa butas ng karayom
Para ang tadhana nila'y makiayon
Iba ay nararapat maging kampeon
Pero ang tadhana ay di umayon
Maraming manggugulo sa daan
Dapat handa kayong makipaglaban
Wag itago ang natutunan
Dapat kayo'y makipagsabayan
Ngayon isa isa kayong aakyat sa entablado
Ang iba doon ay talentado
Marami din dinaan ito sa sipag at talino
Pero karamihan ay mga simpleng tao
Bawat pangalan ninyo ay nabangit
Mga karangalan sa inyo ay isasabit
Napalitan na ng tamis ang dating pait
Napalitan ng papuri ang mga panlalait
Ito na ang dulo ng karera
Nakita na ninyo ang naging bunga
Lahat ng hirap ay nag bunga
Hindi pinipilit at nahinog ng kusa
Ang misyon ko ay dito natatapos
Ako'y nagpapasalamat ng lubos
Sa mga nakasama ko sa saya at dusa
Masaya akong sasabihin na ang inyong karera ay tapos na
Marami pang karera na inyong sasalihan
Marami pa kayong mga bagay na matutunan
Ang karera dito sa paaralang ito ay tapos na
Lahat ng natutunan ninyo dito ay ang inyong bagong sandata.
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
power poem. deeply rooted from the heart. done upvoting.