"Pagsubok ng Pagsuko"

in #teardrops6 years ago

image

Bago simulan ang tulang makata
alaala ng pagmamahalan natin sarili'y napaluha
Bago simulan ang tulang mahaba.
Hatid ang mga panatang. "Mahal hindi ako magsasawa"
Magsasawa, Salitang malabong papasok saking mga Utak
sapagkat Nakikita kolang na malaya at masaya kana, damdami'y may namumuot na saya at galak.
Galak sa kalooban alang-alang sayong kaligayahan, spagkat ako'y nasa sulok mataimtim na umiiyak
Umiiyak bagkos ikaw ang rason ng bawat pagpatak.
Sa pusong nabiyak.
Kasakitang saakin isinaksak
Dimawari'y maisip na sa bawat pagkakataon na ang mga labi mo'y ngumingiti sa kanyang piling
Tinatanong ang sarili, Ano bang naging kulang na ika'y nawala sa aking piling?
Lumipas ang panahon, nasanay ang sariling hindi ka ang kapiling
Bagkos sana'y sayong paglisan, sarili mo'y maging matiwasa't masaya, ang aking Hiling
Hiling para sa binibining saki'y nagleksyon ng sa bawat ngiti'y my hangganan
Sa bawat pagtawa ay may iyakan
sa bawat pagkapit ay may bitawan
sa bawat pagsugal ay may talunan
at sa bawat pagmahal ay may luhaan.
Sa iyong saking pag-iwan, Mahal ako'y nakaraos na sa iyong Paglisan
sapagkat ako'y di na muling mag dadalawang isip at magbabakasakali
na ang ating pagmamahala'y maibabalik muli
ngunit paglisan iyong isinukli
Mahihigpit na yakap at matamis mong labi
Ginagawa nating magkasama gusto ko lang mabawi
Pinagdarasal na sana ika'y magiingat nalang sa bawat sandali
Napatanong sa sarili bakit nagmahal ako ng lubos
Di inaasahang masasaktan rin ng lubos
Sa pamamagitan ng tulang ito sana ako'y makaraos
makaraos saking paglubog
sayong pagbitiw kung bakit paba ako sayo'y nahulog
Sapagkat puso'y mashadong nabugbog
Hindi alak kundi pag iyak sa mga oras na dapat ako'y mahimbing na natutulog.
Sa pag mulat ng mata sa aking pag gising
Hatid ko ang bagong pag asa, na ang puso ay ma gising
magising sa katotohang hindi na dapat ipaglaban pa
ang pagmamahalan nating hanggan pangarap nlang talaga
mga pangako mo sakin at sating dalawa,
na maghihintay tayo, I love you, ikaw lang, at walang iba
Imahinasyong matagal na pinaglaruan ang puso't isipan
Ngiting hangad ang walang hangganan sapagkat sayo na lahat inilaan
At ngayo'y nagdurusa sa iyong paglisan.
Mahal salamat sa iyong binagay na pagsubok
Sa aking pagbangon, at sa'king pagsuko,
Hatid ang ang bagong layunin..
Ang pagsubok ng bagong pagbangon.


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

image

Sort:  

Congratulations @eynjhel-desilva! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53948.70
ETH 2245.46
USDT 1.00
SBD 2.29