Bagong Usbong na Pag-asa

in #teardrops7 years ago (edited)

Miscarriage is one of the most devastating thing that could ever happen to a woman. It breaks everything, heart, soul and spirit. I know one person who's really close to me that went through the same path. And it took her some time to understand and see what the Lord's plans are. She's gone through a rough process of healing and acceptance that she thought she couldn't do. But by His Grace and only through Him, she was able to make it! I remembered her when I read sis @sugarrainbow's post about the baby she lost. And so, I was inspired to write something about the lost and a new hope that can be found when we surrender everything to the Lord. It may really take so much time to heal, but He is always on top of everything. As "He keeps track of all our sorrows.
He has collected all our tears in His bottle.
And He has recorded each one in His book."
(Psalm 56:8) NLT

I hope and pray that everyone finds hope in the Lord, our God.

image

Source

Alam ko nasasaktan ka. Ilang taon ka na nga bang naghihintay?

Lima? Ay, sampu pala! Ang tagal, alam ko. Naitanong mo kung bakit sobrang tagal mong naghihintay.

Ang tanging nais mo lang naman ay mahawakan ang kanyang munting mga kamay. Marinig ang kanyang iyak. Ang makarga mo siya at mayakap. Nangako ka naman sa Panginoon na magiging isang mabuti kang ina. Ngunit bakit wala pa ding sanggol na biyaya?

Minsan, dumating ang isang araw, nalaman mong ikaw ay nagdadalang-tao na! May takot sa puso mo ang bumalot. Paano kung hindi ka maging handa? Ngunit mas namayani ang sobrang tuwa! Sa wakas, ikaw ay isa nang ina! Sa wakas may tatawag na sayong mama, mommy, oh nanay!

Nakakatuwa!

Nabuhay sa iyo ang damdaming hindi mo maubos-maisip na magigising pala. Pinlano mo kung paano mo sya palalakihin. Nakikita mo ang kanyang kinabukasan. Ang paghatid mo sa kanya eskwela, ang pagtatapos nya sa kolehiyo at ang kanyang pagtatrabaho.

Ngunit bakit ganun? Hindi mo pa nga sya nakikita, hindi mo pa siya nahahalikan, ngunit bakit tila yata babawiin na agad siya sa iyo? Mahina daw ang tibok ng kanyang puso. Kelangan mo daw magpahinga, bawal kang mapagod para maisalba mo sya.

Naisip mo, ganoon pala ang maging ina. Lahat gagawin mo para lang sa iyong anak. Di baleng maubos ang lahat ng laman ng iyong pitaka, basta mabuhay siya, ayos ka na.

Ginawa mo naman lahat! Ngunit hindi pa rin sumapat iyon upang ipagkaloob sa iyo ang pagkakataon na makasama siya hanggang huli.

Nawala pa rin siya. Hindi mo man lang narinig ang kanyang uha! Sa pagkakataon ding iyo'y nalaman mo na mas matindi at mas pino ang pagkadurog ng iyong puso dahil sa pagkawala ng iyong anghel, kesa noong nasaktan ka sa una mong pag-ibig. Wala palang katumbas ang sakit na dulot sa isang ina ng pagkawalay sa isang anak!

Nakwestiyon mo ang paniniwala mo sa Diyos. Natanong mo Siya kung bakit ikaw pa? Hindi ka ba karapat-dapat maging isang ina? Naitanong mo kung mahal ka bang talaga ng Panginoon? Madaming iba, naglalaglag pa. Ngunit hinahayaan Niyang mabuhay ang bata. Ikaw, pinilit mo pang mabuhay diba? Pero bakit iyon ang kinuha? Alam mong mali, ngunit nasaktan ka pa din. Sobrang sakit pala.

Alam ng Panginoon ang lahat ng yaon. Bilang ang mga luha mong pumatak dahil sa paghihinagpis. Alam Niya ang matagal mong paghihintay. Na mula sa kawalang tiwala sa Kanya'y di naglaon binago Niya ang iyong puso at muling nagbalik ka sa Kanya. Nalaman mong may Plano Siya sa buhay mo. Malaki at kailanman ay para sa kabutihan mo.

Kaya alam mo ba? Ang sabi Niya, panahon na upang ibigay sa'yo ang matagal nang samo at bulong ng iyong puso. Nanay, parating na ako sa buhay mo!

Nanay, alam na ninyo ni tatay diba? Kahapon ay galing kayo sa mangagamot. At halos mapatalon si tatay sa tuwa! Palagi n'ya na akong kinakausap mula noon. Ang ganda ng boses niya!

>Nanay, anim na buwan na ako sa tiyan mo. Tignan mo o! Naigagalaw ko na ng madalas ang aking mga kamay at paa. 

Oops! Pasensya na po Nanay! Napalakas po ba ang sipa ko? Ibinalita mo kay tatay? Dipo kaya ako pagalitan? 
Nakakatuwa?! Si tatay natuwa sa aking pagsipa! Dadalasan ko pa ang paggalaw, 'Nay,'Tay, para matuwa kayo! Pero mas magiging marahan ako sa mga susunod. 

Konti na lang mayayakap ko na kayo. At huwag po kayo mag-alala! Kakapit ako dito sa loob at sa Kanya! Lalaki pa ako at tataba! Hahagikgik pa ako at matutuwa. Ngingiti pa ako sa inyong lahat! Kaya 'Nay, huwag ka nang malulungkot ha! Pinananabikan ko na ang mga haplos at halik mo! 

Hanggang sa sususnod na tatlong buwan!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 94279.77
ETH 3336.73
USDT 1.00
SBD 3.14