Filipino-poetry : KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN?
Kabataan ang pag-asa ng bayan!!!
Yan ang bantog na kataga ni Gat. Jose Rizal.
Mga salitang pumukaw sa buong katagalugan.
Na sa bayan ay nagmamahal.
Kasabihan na tila ay nawalang kabuluhan.
At sa maraming taon na nag daan.
Yan pa rin kaya ang masasambit ng ginoo?
Masakit isipin subalit ito ang totoo.
Nakamit nga ba ang kalayaan na inakalang tinamo?
O nawalang saysay lamang ang inalay na pawis at dugo.
Bilang bagong henerasyon, may karapatan nga ba tayo na ang laya’y matamasa?
Kung nilimot natin ang nagtanggol sa masa.
Bibiguin ba natin ang prediksyon ng doktor na umaasa?
O gagampanan natin ang tungkulin, na magbigay pag-asa!?
Hanggang sa huling hininga ang sambit na panaghoy.
Ay pag ibig sa bayan, na sa dugoy dumadaloy.
Ang pag usad ng bayan, hindi naipag patuloy.
Ito ba ang pag asa na kanyang tinutukoy?
Sa wikang banyaga ay nagpapaka hangal.
Kulturang dayuhan ang pinipilit itanghal.
Sa inang bayan nga ba ay meron pang nagmamahal.
Mapatawad sana tayo ni Rizal.
Imbis na magsunog ng kilay sa pag-aaral.
Upang sa kalinangan ay matuto.
Ay nagsusunog ng baga, sa ibat-ibang bisyo.
Ang pag-asa ng bayan na pinili at sinugo.
Heto at madalas mag punta ng sogo.
Sila nga ba ang pag-asa sa simula hanggang sa dulo?
Kung ang parating gawi ay pakikipag basag-ulo.
Sa kabila ng mga payo at kaliwa't kanang pangaral, saan nga ba nag kulang?
Ang mga kabataan ay maagang nagiging magulang.
Imbes na mga libro ang kanilang hawak hawak,
Ay bote ng alak habang bumabatak.
Imbes na papel at lapis panulat,
Ay mga batang musmos ang kanilang buhat-buhat.
Kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?
O sila din ang tinukoy nyang kanser ng lipunan.
Ano nga ba ang papel ng mga kabataan?
At sa kasalukuyan ito nga ba ay nagagampanan.
Ano kayang pakiramdam?
Nang mga bayaning namaalam.
Mga bayaning nag buwis ng buhay para sa bayan.
Nagkaron nga ba ng kabuluhan ang kanilang pinaglaban?
Kabataan ang pag asa ng bayan!
Winika nya ito ng buong puso at tapang.
Mga linyang nagtapos sa tandang padamdam.
Kabataan ang pag-asa ng bayan???
Hahayaan pa bang sa pagsisisi humantong?
Sapagkat sa ngayon, sa kasalukuyang panahon.
Ay tila nagtatapos na ito sa mga tandang pananong.
06 / 10 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.