April Fools

in #tagalogtrail6 years ago

image

"Mahal ko si Molly!"

Stop. Rewind. Play.

Ika-apat ng Abril, taong 2006. Oras ng pananghalian. Tirik na tirik ang araw habang naglalakad si Lina at Lance sa parking lot ng pinagtatrabahuhan ng dalaga.Ngunit kahit sobrang init ng araw na tumutusta sa kayumangging balat ni Lina, daig pa niya ang nag ice bucket challenge nang marinig ang mga katagang pasigaw na ibinagsak sa kaniya ng nobyo.

Kahapon ay ikaanim na anibersaryo nila. Hindi sinasadyang kinailangan niyang magtagal sa opisina dahil nagkamali siya ng ibinigay na instruksyon sa magkakabit ng tint sa sasakyang binili ng isang intsik na suki nila. Sa sobrang saya niya na nagtagal sila nang ganoon ng kaniyang nobyo ay naging pamali-mali siya nang araw na iyon.

"Huwag mo kasi masyadong isipin yun mam, mahal ka nun," biniro pa siya ng trabahador nila. Buong araw niyang bukambibig ang nobyo nang araw na iyon. Tinawagan niya pa ito kinahapunan para tanungin kung susunduin ba siya nito. "Magkita na lang tayo doon kina Molly," parang tropa lang talaga sila mag-usap. Walang I love you, walang endearment, walang arte. Ganoon yata talaga pag nagtatagal na ang relasyon. Nakaayos na ang mga gamit niya, nakahanda na rin ang anniversary card na ginawa niya. Napangiti pa siya nang sinilip ang DIY card na pinaghirapan niya para sa nobyo.

Madilim na paglabas niya ng opisina. Medyo delikado sa parteng iyon kapag gabi kaya medyo kinabahan siya. Buti na lang at sinamahan siya ni Marie. "Hindi ka susunduin? Baka may surprise siya para sayo. Bihira na ang nagtatagal ng ganyan katagal na relasyon. Ang swerte mo girl," pati ito ay excited din para sa kanya. "Uy, may pasok pa bukas ha. Huwag ka masyado magpagod," kinindatan pa siya nito bago sila naghiwalay sa jeep.

Pagkarating nya kina Molly ay naroon na ang mga tropa. Nandoon si Vince, ang nobyo ni Molly. Ikalimang anibersaryo naman nila kahapon, ikalawang araw ng Abril. Nakakatuwa dahil hindi sinasadya ng dalawa na sagutin ang mga nobyo nila ng mga araw na iyon. Ganoon yata talaga pag mag-bestfriend. Halos nagkakapareho na sa lahat.

"Nandiyan ka na pala!" bati sa kanya ng nobyo. Hindi nila nakagawian ang mga tipikal na pagbati ng magnobyo't nobya gaya ng halik, yakap o ano pa man. May kurot na naramdaman si Lina sa puso niya nang mapagtantong wala palang sorpresa. Walang selebrasyon. Pero hindi niya na pinansin. Masaya naman silang magkakasama at nagtatawanan.

Lumipas ang mga oras na parang normal na araw lang. Kailangan nang magpaalam ni Lina dahil may pasok pa siya kinabukasan. Sumabay na rin si Vincent sa kaniya. Naiwan si Molly at Lance sa sakayan ng jeep.

Lumingon si Lina sa pwesto ng nobyo at ng bestfriend. May kakaiba. Hindi niya alam kung ano pero parang may iba. Binalewala niya lang ang isiping iyon at ibinaling ang atensyon sa kasabay umuwi. Masayang nagdaldalan si Vincent at Lina hanggang sa maghiwalay na sila ng daan. Bago siya matulog ay naalala niya pa ang ekspresyon sa mukha ng bestfriend noong ihinatid sila nito sa sakayan. Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang kaba. Nakatulugan niya na ang ganoong isipin at nakalimutan niya na rin ito pagkagising kanina.


Kinabukasan sa opisina, biglang nagliwanag ang mukha ni Lina nang marinig ang nobyo sa kabilang linya. Tinawagan siya nito at inaaya siyang magtanghalian sa labas. Baka ito na ang sorpresa niya! Kinilig siya at abot tenga ang ngiti nang ibinaba ang telepono. Nagpaalam siya kay Marie na matatagalan siyang mag lunch ngayong araw na ito dahil susunduin siya ni Lance. "Uy, mukhang hindi pa nakuntento kagabi ha!" pang-aasar pa ng kaopisina.

Impuntong alas dose ng tanghali ay namataan niya na sa pintuan ang nobyo. Nagpaalam na siya sa mga kasama at gumayak na. "Hello! Saan tayo kakain?" Nakangiting bati niya rito. "Hindi ako nakapag-almusal kanina kasi medyo late ako nagising kanina. Late na kasi tayo umuwi kagabi," naglalakad na sila papunta sa malapit na kainan. "Ibahin mo yung mood mo," tanging tugon ng nobyo. "Ha? Bakit? Masaya lang ako kasi naka-six years na tayo. May problema ba?" Nag-alala siya kasi baka may problema ang nobyo na hindi na makahihintay hanggang mamaya. Pero naisip niya, marami na silang pinagdaanan. Kung ano man iyon, kaya nilang lagpasan basta magkasama sila. Sadyang positibo talaga ang pananaw niya nang mga oras na iyon. "Ibahin mo yung mood mo!" Bahagya na siyang natigilan kasi seryoso si Lance. "Bakit ba kasi?"

"Kasi mahal ko si Molly!"

Umalingawngaw nang paulit-ulit sa pandinig ni Lina ang sinabing iyon ni Lance. Parang tumahimik ang buong paligid. Maraming nagdaraan na mga sasakyan sa kalsada, may mga batang naghahabulan sa gilid, may mga tambay na nagtatawanan habang nakatambay pero walang naririnig si Lina. Ultimo ang mainit na halik ng hangin sa kanyang pisngi ay hindi niya rin pansin. Nakatuon ang atensiyon niya sa apat na salita ng binitiwan ng nobyo.

"Mahal ko si Molly!"

Paulit-ulit.

Nang makabawi sa pagkabigla ay napaisip si Lina. Baka ginu-good time na naman ako nina Molly.

Hinihintay niyang lumitaw kung saan ang dalawa pang kaibigan para sumigaw ng April fools!!!

ITUTULOY

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

Sort:  

Lodi ka talaga Madam @romeskie 😍

Kay tagal mong nawala @itisokaye. :-) May utang ka pa sa aking fantasy story. Ilang gabi akong hindi nakatulog kaiisip sa karugtong nun. Haha

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

may karugtong pa ba ito ate @romeskie? nabitin ako sa kwento. hinintay ko din na may nakatago sa likod at sisigaw ng "surprise!"
sana madugtungan agad ito 😊

Mahaba itong kwentong ito. Sisikapin kong dugtungan linggo-linggo. Hehe


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

Thank you and more powers! :-)

Hi @romeskie!

Your post was upvoted by @steem-ua, new Steem dApp, using UserAuthority for algorithmic post curation!
Your UA account score is currently 2.022 which ranks you at #24668 across all Steem accounts.
Your rank has improved 88 places in the last three days (old rank 24756).

In our last Algorithmic Curation Round, consisting of 202 contributions, your post is ranked at #75.

Evaluation of your UA score:
  • Only a few people are following you, try to convince more people with good work.
  • The readers like your work!
  • Good user engagement!

Feel free to join our @steem-ua Discord server

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 94476.03
ETH 3112.49
USDT 1.00
SBD 3.03