Ang Hilbana

in #tagalogtrail6 years ago

Noong nakaraang mothers' day ay niregaluhan ako ng aking asawa ng makinng panahi. Matagal-tagal ko na rin namang gusto magkaroon nito dahil napakaraming damit na sulsihin sa bahay. Marahil ay nakalkula ng asawa ko na mas makatitipid siya kung ako na lang ang magtatahi ng mga sirang damit namin.

At siyempre pa, ginamit ko agad ang makina. Ngunit nagtaka siya nang makita niyang kinakamay ko pa rin ang pagtatahi ng laylayan ng kaniyang shorts.

"Bakit hindi mo gamitin yung makina?"

"Syempre, kailangan munang i-hilbana para mas maayos." sagot ko sa asawa kong nagtataka.

"Anong hilbana?"

Inilapag ko kagyat ang ginagawa ko at nilingon ko siya. "Ano ba'ng pinaggagagawa mo noong elementary ka? Nagpabebe?" Siyempre pa binibiro ko lang naman siya. At siyemore hindi naman siya nagpabebe dahil sa akin lang naman talaga siya nagpabebe sa tanang buhay niya.

image

Pero para sagutin ang kanyang katanungan, ang hilbana ay tinatawag na pansamantalang tahi. Malalaki at malalayo ang distansiya ng bawat tahi nito. Ginagamit ko ito kapag gusto kong ipirmi ang isang tupi bago ko ito permanentent tahiin sa makina. Pagkatapos matahi nang permanente ay tinatastas ang hilbana bilang panapos na detalye ng pagtatahi.

image

Ang nanay ko ay propesyonal na mananahi kaya hindi na siya naghihilbana bago nya isalang sa makina ang damit na kaniyang tinatahi. Ayaw ko namang gumamit ng pin dahil ilang beses na akong natusok nito kaya para mas matiwasay ang pananahi ay hinihilbana ko na lang.

image
Kapag ganito ang pagkakalagay ng pin, paniguradong matutusok ka habang nagtatahi. Kaya huwag tularan.

Maaari rin naman talaga na pin na lamang ang gamitin ngunit itusok mo ito nang hindi nakaharap sa daliri mo ang tulis habang nagtatahi ka para hindi ka madisgrasya. Isa sa mga kahinaan ko ay wala akong sense of direction kaya lagi akong nalikito kung saan dapat banda nakatutok ang patulis.

image
Sa wakas ay naitama ko rin ang direksiyon ng pagtusok ng pin.

Tingin ng asawa ko ay nagsasayang lang ako ng sinulid kapag hinihilbana ko muna ang tinatahi ko. Pero hindi niya na rin iginiit iyon matapos niyang makita ang reaksyon ko nang matusok ako ng pin habang nagtatahi. 😁 Dalawa ang natutunan niya nang araw na iyon. Kung ano ang hilbana. At huwag nang tanong nang tanong habang ako ay nananahi.

Sana ay may natutunan kayo.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

image

Sort:  

Tbh, parang ang hirap iarok ang instructional content na naisulat sa wikang Filipino XD Pero natuwa pa rin ako sa ganda ng pagkakasalaysay mo dito, Rome. Gujab!

Nakalimutan ko kung ano ang tagalog ng pin kaya hindi ko na lang tinagalog. Medyo taglish yung instructions. Haha.

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 103566.35
ETH 3387.22
SBD 6.39